^

PSN Showbiz

Heart, walang imik SA ginawa ni fl Liza kay Chiz

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Heart, walang imik SA ginawa ni fl Liza kay Chiz
Heart Evangelista.
STAR/ File

As of presstime ay kinukulit pa rin namin ang kampo ni Heart Evangelista kung meron ba siyang reaksyon sa nag-viral na video na ininom ng First Lady Liza Araneta-Marcos ang wine na hawak ni Senate President Chiz Escudero.

Pero wala pa rin silang binibigay na pahayag.

Abala raw kasi ang aktres sa pag-alis niya patungong Paris kahapon.

Naglabas na rin ng statement si FL Liza Marcos kahapon.

Aniya, “If truth be told, here’s what happened. At 10AM yesterday, after greeting 82 Ambassadors and other international organization representatives for over an hour, (Pres.) Bong & I entered the Cere­monial Hall and we were ushered to where (SP) Chiz + (Speaker) Martin Romualdez were standing.

“When Chiz saw me, he said, ‘wow---bilib din ako sa iyo. May energy ka pa after standing and smiling for over an hour. I’m sure you could use a drink.

“I laughed and said, ‘you bet!’ And so I mischievously got his glass of champagne, took a sip and told him. ‘Eeew, hindi naman malamig ang champagne mo.’ After that, I gave his champagne glass back to him. And then we both had a good laugh over that.

“I think the entire exchange took all of 10 seconds.

“I’ve known (SP) Chiz since my law school days. He studied in UP and I went to Ateneo. We’ve been friends for like forever. So whether, ‘I make him a waiter’ and/or ‘he responded like a gentleman’ is between us.”

Ang dami nang memes na napo-post sa social media at pinagtitripan na ito ng netizens.

Rochelle, may dasal para sa pulang...

Proud na proud si Rochelle Pangilinan sa Pulang Araw na tini-tape nila ngayon.

Sobrang excited siyang kinuwento sa amin kung gaano kadetalyado ang taping na walang makakalusot na mga maliliit na mali.

“Wala akong masabi kundi nakaka-proud na mapasama sa Pulang Araw. Kasi, gustung-gusto ko ang mga ganitong klaseng istorya. Kasi gusto ko mapanood ako ng anak ko.

“Pinagpi-pray ko na talagang sa school mapalabas siya, ganun na mapanood ako ng anak ko,” pahayag ni Rochelle nang nakatsikahan sa premiere night ng pelikulang Playtime noong Martes sa SM The Block.

Tuwing dumarating daw siya sa set ay namamangha na lang daw sila sa production design na talagang mabusising inayos daw ito ng production staff lalo na si direk Dominic Zapata.

“Lahat ng actors dito, pinaghirapan nila, lahat nakakarir ultimo, talents. Talagang lahat kabisado nila ang lines. Ako sobrang proud po ako.”

vuukle comment

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with