^

PSN Showbiz

Gabby ayaw makisawsaw sa desisyon ni KC

- Veronica R. Samio -

After magbigay ni Sharon Cuneta ng kanyang saloobin sa naging paghihiwalay ng kanyang anak na si KC Concepcion at Piolo Pascual, ang ama naman na si Gabby Concepcion ang nagsalita.

Dapat lang na ipagtanggol ng dalawa ang kanilang anak sa kinahinatnan ng relasyon nito sa Kapamilya actor. After all, sa simula ng relasyon ng dala­wa ay hiningan din naman sila ng dalawa ng bendisyon. At tulad nun na malaya nilang ibinigay ang kanilang blessings sa dalawa at hinangad ang kanilang kaligayahan sa relasyong kanilang pinasok, sa paghihiwalay ng mga ito ay lungkot ang nakita sa kanila pero sinabing hindi sila makikialam.

Nagbigay din ng saloobin si Gabby at bilang isang lalaki ay walang narinig na masama mula sa kanya na dapat ay ikagalit niya ng husto kay Piolo dahil sinaktan nito ng labis ang damdamin ng kanyang panganay na anak pero sinabi ring “I hope people are more open, more honest. Relationships and break-ups happen, ganun talaga. I don’t normally see my daughter cry on TV. She’s hurting, she needs our support right now.”

Sinabi ni Gabby na nagalit din siya kay Piolo. Pero depende na kay KC kung bibigyan nito ng panibagong chance ang ex-boyfriend.

Imelda Papin napikon!

Normally, hindi pikon si Imelda Papin. Never ko itong nakitang nag-react ng hindi maganda sa mga kritisismo na tinanggap niya nung panahong nasa rurok siya ng kanyang tagumpay. Hindi ko naman masabi na passé na siya ngayon dahil kahit mas madalas na siyang mag-show sa ibang bansa ay in demand pa rin siya sa Pilipinas.

Hindi rin siya siguro kukuning mentor ng GMA 7 para sa programang Protégé kung hindi nila inaakalang meron pa siyang maiko-contribute sa bagong programa kahit kailangang mag-give up siya ng dalawang malalaking shows sa Canada ay tinanggap niya ang pagkakataong makatuklas ng mga bagong singers sa Bicol.

Rosalyn Navarro would have gone with Imelda sa Australia kung hindi lamang nakasama ang protégé sa battle of the wild card na nagtampok sa paglalaban-laban ng limang unang natanggal na contestants – si Lovely ni Jaya, Samantha ni Joey Generoso, Nomer, ni Rachelle Ann Go, at Denise ni Gloc 9.

Malas lang ni Rosalyn dahil hindi siya tipo ng mga hurado. At maging ng text voters.

In fairness to Imelda, bago siya tumulak patungong Australia ay sinanay niya ng husto si Rosalyn ng number nito. Ilang ulit silang nag-rehearse. Pero dahil hindi siya puwedeng present sa gabi ng labanan, she asked Verni Varga na palitan siya. Kaya naniniwala siya na unfair ’yung comment ng mga judges na gumaling lamang si Rosalyn because of Verni.

Nasa Australia si Mel nang mapanood ang battle na ito ng mga eliminated protégés and she felt slighted, insulted. Hindi naman niya pinabayaan si Rosalyn. Nasa video naman na inalalayan niya ito at pinraktis ng husto para sa battle for the wild card and apparently hindi aware ang mga judges dito kaya sila nakapag-comment ng ganun.

vuukle comment

EACUTE

GABBY CONCEPCION

IMELDA

IMELDA PAPIN

JOEY GENEROSO

NASA AUSTRALIA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with