^

PSN Showbiz

Gretchen nahihirapan kay Angelica!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Excited si Gretchen Barretto na makatrabaho sa teleseryeng Alta sina KC Concepcion at Angelica Panganiban.

Minsan nang nakapag-workshop ang tatlo bilang paghahanda sa kanilang serye. “I’m very excited to work with Angelica and KC kasi naka-work ko na sila and nakasama ko rin si Angelica sa shampoo commercial and parang nahuli ko na siya,” nakangiting pahayag ni Gretchen.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Gretchen at Angelica noon pero agad din namang nagkaayos ang dalawa.

Ngayon ay umaasa si Greta na mas lalalim ang pagkakaibigan nila ni Angelica.

“I believe so. Nakilala ko kasi ang totoong Angelica sa workshop, so pag-uwi ko nga tineks ko si Derek (Ramsay). Sabi ko, ‘Oh my God, I really like Angelica.’ Parang I feel sorry for the time noon nang nagkatampuhan kami. You know, you really have to know the person talaga. Sabi ni Derek, I told you, so. Sabi ko, yeah I thought so.

“Tahimik si Angelica, doon ako nahihirapan, pero I know eventually magiging maingay na rin. Eh ako ang kasama niya eh,” kuwento pa ng aktres.

Pinaghahandaan na ngayon ni Gretchen ang kanyang role bilang si Marga sa Alta dahil gusto niyang tumatak sa mga manonood ang kanyang gagawin para sa nasabing serye.

Kaabang-abang ang lahat ng mga damit at accessories na ga­gamitin ni Gretchen sa kanyang bagong serye na nakahanda na lahat ngayon pa lamang.

Cristine gustong maging rakista

Hindi lang pala isang magaling na aktres si Cristine Reyes dahil magaling din siyang kumanta. Sa ngayon ay nae-enjoy ng dalaga ang pag-arte kaya hindi niya muna pinagtutuunan ng pansin ang pagkanta.

“Actually, kumakanta ako. Hindi lang alam ng mga tao. Ang kaso kasi hindi ko pa talaga siya sineseryoso pero minsan sa ASAP pinapakanta nila ako. Sabi ko nga kasi gusto ko munang mag-focus sa acting. Hindi pa ako masyadong bukas sa singing, pero in time siguro. Hindi ko naman sinasarado ’yung doors ko sa singing career kasi kahit paano naman alam ko naman na kumakanta ako,” pahayag ni Cristine.

Anu-anong klase ng kanta kaya ang gustong gawin ng dalaga kung mabibigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng sariling album?

“Gusto ko kasi rock, ayoko ’yung birit. ’Yung tipong kanta ni Alanis Morisette, mga ganun. ’Yung band ko, okay pa rin sila kung libre ako, kaso hindi ako libre palagi. Nandiyan lang din naman sila,” dagdag pa ni Cristine.                         Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ALANIS MORISETTE

ALTA

ANGELICA

ANGELICA PANGANIBAN

CRISTINE

GRETCHEN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with