^

PSN Showbiz

Mga malalaking pelikula, Pamasko ng 5MAX Movies ng TV5

-

Ipagdiwang ang Holiday season in the spirit of fun and adventure kasama ang mga bida sa mga pelikulang Peter Pan, Babe: Pig in the City, The Adventures of Shark Boy and Lava Girl at Stuart Little 2 sa 5MAX Movies ng TV5 ngayong linggo ng Kapaskuhan.

Sina Tom Hanks at Meg Ryan ang bida sa romantic comedy movie na Sleepless in Seattle na palabas bukas, Lunes. Ang kyut at lakwat­serong baboy na si Babe naman ang bida sa Martes (Disyembre 23), at bibisita sa siyudad para kumita ng pera sa Babe: Pig In The City.

 Ang adventure story naman ni Peter Pan ang palabas sa Miyerkules (Disyembre 24). Kasama sina Wendy, Tinkerbell at ang iba pang mga kaibigan, sasabak sina Peter Pan sa isang malaking adventure at tunggalian laban kay Captain Hook.

 Sa araw ng Pasko (Huwebes), magkakatotoo ang mga panaginip at panga­rap sa magical movie na The Adventures of Shark Boy and Lava Girl in 3D.

Ang mga kwela at lakwatserong daga naman ang bida sa Biyernes (Disyembre 26) sa second installment movie na Stuart Little 2. Ang kwento ng isang nagdadalaga naman ang mapapanood sa Sabado (Disyembre 27) sa coming-of-age comedy movie na Sixteen Candles.

 Sa Linggo (Disyembre 28), sina Pierce Brosnan, Rene Russo at Denis Leary ang mga bida sa pelikulang The Thomas Crown Affair na tungkol sa adventure ng isang milyonaryong playboy who steals a priceless work of art at mai-in love sa seksing imbestigadora.

 Magdiwang ngayong Kapaskuhan at mag-enjoy sa panonood ng mga Holiday movie specials na ito sa 5MAX Movies ngayong linggo tuwing 9: p.m., only on TV5.

vuukle comment

ADVENTURES OF SHARK BOY AND LAVA GIRL

CAPTAIN HOOK

DENIS LEARY

DISYEMBRE

KAPASKUHAN

MEG RYAN

PETER PAN

PIERCE BROSNAN

STUART LITTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with