^

PSN Showbiz

Paolo Bediones patok sa rating kasi wholesome

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga kakilala ako na priority ang pagbabasa ng entertainment news dahil nadi-depress daw sila sa mga headlines tungkol sa patuloy na tumataas na presyo ng mga bilihin.

Pansamantala raw nilang nalilimutan ang kahi­ra­pan ng buhay kapag mga tsismis tungkol sa mga artista ang kanilang pinag-aaksayahan ng panahon.

Ang kaso, walang masyadong big news ngayon sa showbiz pero kapag nagkaroon naman, sabay-sabay at sunud-sunod.

Wala pang big news sa showbiz mula nang dumating sa Pilipinas si Gabby Concepcion.

Hindi naman puwedeng sabihin na big news ang pag-amin ni Criselda Volks na nalulong ito sa paglaklak ng sleeping pills.

Lalong hindi big news ang walang ending na word war nina Rufa Mae Quinto at Jessa Zaragoza dahil lumang-lumang isyu na ito.

Hindi na big news ang pagsasampa ng demanda ni Cogie Domingo laban kay Gil Portes dahil matagal nang hindi nababayaran ang talent fee ng mga artista ng Mourning Girls na mourning pa rin hanggang ngayon.

Narinig ko nga sa radio program ni Jobert Sucaldito sa dzMM ang balita na nakakatanggap ng mga demand letter ang nanay ni Cogie mula sa mga kaibigan niya na nag-invest sa Mourning Girls at ito ang puno’t dulo ng pagsasampa ng demanda ng kaniyang anak.

Malaki-laki rin ang utang ng produ ng pelikula sa mga artista na hoping pa rin na mababayaran sila dahil pinaghirapan naman nila ang kanilang trabaho.

Masuwerte ang produ ng Mourning Girls dahil tahimik at hindi confrontational ang mga unpaid stars nito gaya nina Ricky Davao, Assunta de Rossi, Juliana Palermo, Chin-Chin Gutierrez at Glydel Mercado.

* * *

Ang balita na si Paolo Bediones ang magiging host ng Survivor Philippines ang pruweba na  hindi true ang tsismis na mag-oober da bakod siya sa kabilang TV network.

Nag-deny na noon si Paolo at kapani-paniwala ang denial niya dahil magaganda ang mga shows na ibinibigay sa  kanya ng GMA 7.

At sanay na si Paolo na mag-host ng mga ganoong klase ng programa dahil matagal siya naging host ng Extra Challenge na namayagpag nang husto sa ere.

Naging No. 1 show ang Extra Challenge noong nagsimula na maging No. 1 channel ang GMA 7.

In fairness kay Paolo, nagre-rate ang lahat ng mga TV shows niya at paborito siya ng mga advertisers dahil sa kaniyang wholesome image.

* * *

Best wishes sa newly-weds na sina Jojo at Jeddah Agraviador na ikinasal noong Huwebes sa Fernwood Gardens, Q.C.

Anak ni Atty. Jemela Nettles si Jojo at dahil kaibigan namin siya ni Ricky Lo, go kami sa Fernwood Gardens.

Ginanap ang kasalan sa Fernwood Gardens Church na pagkaganda-ganda. Naalaala ko nga na doon din ang wedding venue nina Aiko Melendez at Martin Jickain na hindi nagtagal ang pagsasama. Hindi naman siguro ’yon mangyayari  kina Jojo at Jeddah dahil hindi whirlwind romance ang love story nila.

Hindi ako nagulat nang makita ko si Nonoy Zuniga na kumakanta ng The Lord’s Prayer dahil kaibigan din siya ni Atty. Nettles.

Close si Atty. Nettles sa mga showbiz people dahil marami siyang natutulungan. Siya ang dahilan kaya nakapag-migrate sa Amerika ang pamilya nina April Boy Regino, Miguel Vera at ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

* * *

Ipinakilala sa akin ni Papa Ricky ang Espina couple mula sa LA, sina Benny at Julius na malaki ang naging bahagi sa buhay ni Rustom Padilla. Na­ging ninong at ninang sa kasal nina Jojo at Jeddah sina Benny at Julius.

Matagal nang hindi nakikita ng mag-asawang Espina si Rustom. Nabanggit sa akin ni Benny na unang nag-“out” sa kanila si Rustom , walong buwan bago nito inamin sa  TV ang kanyang pagiging bading.

vuukle comment

DAHIL

JOJO

MOURNING GIRLS

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with