^

PSN Showbiz

Mas maganda si Allona ngayon

-
Hindi ko agad nakilala ang sexy star na si Allona Amor nang makita ko sa isang bar sa Grand Boulevard Hotel. Walang magsasabing bold star ito. Mukha siyang Chinese or Korean tourist. O baka napagkamalan ko pa siyang isang artistang Haponesa na nagpapahinga lamang sa nasabing otel.

Medyo tumaba nga si Allona, pero taglay pa rin nito ang gandang artista, "Nanganak kasi ako," walang preno niyang sabi. At kagagaling lamang daw niya sa Japan kung saan siya nagtrabaho.

Ayaw na ba niyang mag-artista? "Kung may magandang offer. Mas kailangan ko nga ngayon. Pero ayoko nang magpaseksi."

Kumusta naman ang ama ng kanyang anak?

"Sino ‘yun?" nagtatawang sabi ni Allona. Pilit kong hinalata kung bitter ang aktres. pero tuloy siya sa pagtawa. At may nagbulong sa akin na ang ama ng anak nitong si Gabriel Romulo, isa ring artista at wala nang contact kay Allona. Ang totoo pa’y may alitan daw ang dalawa dahil sa pera.

Pinilit ko si Allona. Bakit naman ganun ang reaksyon niya sa ama ng kanyang anak?

"Mabuti pang hindi na lang natin siya pag-usapan. At okey lang kung saka-sakaling hindi niya sustentuhan ang bata, okey lang sa akin konsensiya na niya ‘yun."

Mas importante sabi pa ni Allona, na malusog ang kanyang anak. At dahil ginusto naman niya ang nangyari, wala siyang sinisisi sa pagkakaroon ng anak. Magsisikap daw siyang buhayin ng maganda ang bata.

At hindi na niya iniintindi ngayon ang tungkol sa pag-ibig. Nakasentro sa anak niya ang buo niyang panahon. Kaya nga’t lagi siyang nag-aabang ng mapapagkitaan. Tulad ngayon bilang endorser ng contact lens. Kaya siya naroon sa bar nang gabing iyon ay nag-host si Allona ng product launching ng contact lens na pag-aari ng ilang Koreano.

Nakagawa si Allona ng ilang matitinong pelikula, tulad ng Snake Sisters ni Celso Ad Castillo, Disgrasyada. — BOY C. DE GUIA

vuukle comment

ALLONA

ALLONA AMOR

ANAK

CELSO AD CASTILLO

GABRIEL ROMULO

GRAND BOULEVARD HOTEL

KAYA

NIYA

SNAKE SISTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with