^

PSN Showbiz

Damit, accessories, pera at pati manliligaw ni Toni ay kinaiinggitan ng kanyang kapatid!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nang makausap namin sa premiere night ng Manay Po, hindi pa sure si Polo Ravales kung tatanggapin ang offer ni Director Mel Chionglo na gawin ang Twilight Dancer. Ito ang third sa trilogy movie ng director tungkol sa macho dancing at nauna na ang Midnight Dancer at Burlesk King. Ang worry nito’y baka ‘di niya makaya ang role ng isang macho dancer at baka too skimpy ang ipasuot na underwear ni Direk Mel at ‘di makaya ng powers niya.

Napangiti si Direk Mel nang iparating namin ang pino-problema ni Polo pero, hindi nag-comment. Sa victory party ng movie ng Regal, nalaman namin sa manager ni Polo na si Manny Valera na nag-meeting na ang actor at ang director tungkol sa project and by this time, binabasa na nito ang script.

Ayon kay Leo Bukas, kinukumbinsi ni Ara Mina ang boyfriend na tanggapin ang pelikula’t maganda ang project. Tingnan natin kung malakas ang convincing power ng actress sa BF para mawala ang kaba ni Polo.

Samantala, makikita n’yo si Polo at ibang cast ng Manay Po sa SM Valenzuela this Sunday sa patuloy nilang pagpo-promote.
* * *
Masiglang humarap sa press ang Fil-Am actor na si Dante Basco who is here to promote the movie Take The Lead na ginawa niya with Antonio Banderas. Obvious ding nag-i-enjoy ito sa second visit niya rito’t ang daming plano at sa unang gabi palang nang pagdating ay rumampa na sa Embassy.

Exclusive ng GMA-7 ang coverage ng kanyang pagdating kaya, sa Ch. 7 shows lang siya mapapanood gaya ng SOP this Sunday. May special advance screening ang nasabing movie bukas, June 5 sa Cinema 10 ng SM Megamall bago ang regular showing nito sa June 7.

Kung type ninyong makita sa personal ang kababayan nating nakasama na sa pelikula sina Dustin Hoffman, Robin Williams and Antonio Banderas among others, go kayo sa special screening.
* * *
Hindi maipagkakailang kapatid ni Cathy Gonzaga si Toni Gonzaga’t magka-mukha’t magka-boses sila. Pati kilos, pananamit at kakikayan ay pareho sila. She’s 18 years old and a student of the University of Asia and the Pacific.

Aliw itong si Cathy dahil inaming nainggit sa kapatid kaya pumasok ng showbis. Nainggit siya sa magagandang damit, accessories at sariling pera ni Toni na kahit ano ay kayang bilhin. Pati ang maraming manliligaw ng kapatid ay kinainggitan kaya, nang malamang may audition para sa sitcom na Let’s Go ay nag-audition at nakapasa naman.

Mabait na kapatid daw si Toni. Caring, mapagbigay at binibigyan siya ng allowance. Ang advice nito sa kanya’y matutong ihiwalay ang kanyang personal life sa public life.

Nabanggit na rin lang ni Cathy ang suitors ng kapatid, Tinanong namin ito kung sino kina Luis Manzano at Sam Milby, killjoy lang ito’t hindi sumagot.

"Pero, mas nakakasama ko si Sam dahil sumasama ako sa ate ko sa shooting ng movie nilang You Are the One, sagot nito.
* * *
Asar na asar ang staff ng isang pelikula sa actor na bida nito’t walang pakikisama sa staff. Feeling big star ang actor at inilalayo ang sarili sa mga kasama sa trabaho sa likod ng camera, dahil absent yata nang ituro kung paano magkaroon ng PR. Wala siyang time makipag-kuwentuhan man lamang. Sa kanyang co-stars at sa press na dumadalaw sa taping lang siya may time makipag-tsikahan. Para bang kasalanang malaki kung babatiin niya ang staff and crew nang ginagawang pelikula.

Puwes dahil doon, wala na siyang next project sa film outfit na kumuha sa kanya. Inalis siya sa dapat sana’y, next project dahil sa kawalan ng warmth at PR. Kapag hindi ito nagbago, tuluyan siyang mawawalan ng trabaho.

vuukle comment

ANTONIO BANDERAS

ARA MINA

BURLESK KING

CATHY GONZAGA

DANTE BASCO

DIRECTOR MEL CHIONGLO

DIREK MEL

DUSTIN HOFFMAN

MANAY PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with