^

PSN Showbiz

Rachelle Ann at Christian magkasama nung Holy Week!

- Veronica R. Samio -
Talagang inamin ni Rachelle Ann Go na wala pang namamagitan sa kanila ni Christian Bautista na relasyon bukod sa pagkakaibigan, "Paligaw pa lang siya," ang sabi nito sa pagiging very close nila ng binatang singer.

Hindi nito ipinagkakaila na talagang very close na sila ni Christian at pati sari-sarili nilang pamilya ay close na rin. Katunayan, kasama nila ni Christian ang sari-sarili nilang pamilya sa Puerto Azul nung Holy Week.

"Actually, marami kaming inimbita pero lahat sila ay may prior commitment na. Pwede sana si Raymond Manalo, wala itong lakad pero, hindi rin ito sumama dahil makakaistorbo pa raw siya. Ano naman kaya ang maiistorbo niya?" tanong ni Rachelle sa maraming press na dumalo sa isang salu-salo na ipinatawag ng Viva para ianunsyo ang nalalapit niyang solo concert sa Aliw Theater sa Abril 29 na pinamagatang Ultimate Champion.

Naging bonding din nina Rachelle Ann at Christian ang pag-attend nila ng Bible class tuwing makakatapos ang ASAP tuwing araw ng Linggo. Dito ay nakakasama pa nila ang iba nilang kasamahan sa ASAP tulad ni Diether Ocampo. Bagaman at isang Katoliko si Rachelle, she looks forward to this session dahil bukod sa nagkakalapit silang magkakasama ng husto ay lumalawak pa ang kaalaman niya sa Bibliya.

Tungkol sa kanyang solo concert, magsisilbi rin itong showdown nina Mark Bautista at Christian, dalawang lalaki na may malaking bahagi sa kanyang buhay.

"Hindi ko alam kung pwede ko nang sabihin ito pero, sa concert gagayahin ko sina Sarah (Geronimo), Kyla, Karylle at Sheryn (Regis). Pasasayawin din nila ako," aniya.

Maswerte si Rachelle Ann dahil iisang taon pa lamang siyang nailulunsad sa showbiz pero, marami na siyang accomplishments. Pagkatapos na pagkatapos niyang manalo sa Search For A Star ay nakasama agad siya sa The Champions sa ASAP. Naging platinum ang una niyang album at nakapag-prodyus ito ng tatlong hit singles, ang "Don’t Cry Out Loud", "Love Of My Life" at "You and Me" (We Wanted It All," a duet with Christian.) Ang kasalukuyan niyang single, "From The Start", ang awitin na kinanta niya sa Shanghai Music Festival na kung saan ay nanalo siyang silver medalist ay kasalukuyan nang pumipikap.

Sold out ang mga concerts niya, solo man o may kasama tulad ng Night of the Champions at Pinoy Idols: Battle of the Popstars ipinalabas man dito sa atin o sa ibang bansa. Kararating lamang niya mula sa Dubai kasama sina Sheryn, Frenchie Dy, Christian at Erik Santos.

Ang Ultimate Champion ay isang pagdiriwang ng kanyang tagumpay. Ididirek ito ni GB Sampedro at bukod kina Christian at Mark, makakasama rin niya sina JayR at Ogie Alcasid. Para sa tiket, tumawag sa 6871125/6877794.

Pagkatapos ng concert, may isa pang 11 city tour sa US ang The Champions.

Wala na talagang pahinga si Rachelle Ann pero, okay lang sa kanya. Habang mas marami siyang trabaho ay mas lumalapit ang katuparan ng kanyang pangarap na makapag-patayo ng kanyang dreamhouse. Sa ngayon, sa bangko ang punta ng lahat niyang kita.
* * *
Mas dumami pa ang mapagpipiliang video na mapapanood sa oras ng inyong pahinga. Naglabas ang Star Records ng The Yin Yang Master 2 sa VCD at DVD format.

Ginamitan ito ng state of the art special effects at kinunan sa lugar na di pa gaanong nai-explore.

Sa mga interesado, tawagan lamang si Gal Cansino sa 4152372 loc. 3414.

Inilabas na rin ng Warner Home Video ang The House of the Flying Daggers (DVD P595, VCD P250) starring Zhang Ziyi, Takeshi Kaneshiro at Andy Lau.

vuukle comment

ALIW THEATER

ANDY LAU

BATTLE OF THE POPSTARS

CHRISTIAN

CHRISTIAN BAUTISTA

CRY OUT LOUD

DIETHER OCAMPO

RACHELLE ANN

ULTIMATE CHAMPION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with