^

PSN Showbiz

Fiesta Pasiklab ng Kyusi

- Veronica R. Samio -
Aba, mukhang magiging mas masaya ang pagdating ng summer o tag-araw sa mga taga-Lungsod Quezon. Magsisilbing host ang Quezon City sa Fiesta Pasiklab, isang cultural at trade exposition at theme park na magbibigay ng kasiyahan sa buong pamilya.

Ang pinaka-sentro ng pagdiriwang na magsisimula sa unang araw ng Abril ay matatagpuan sa Commonwealth, QC ay ang pagpapalabas ng 12 popular na festival sa bansa sa iisang lugar lamang: Ati-Åtihan ng Kalibo Aklan, Higantes ng Angono, Rizal, Dinagyang ng Iloilo, Kadayawan ng Davao, Hermosa ng Zamboanga, Maskara ng Bacolod, Pahiyas ng Lucban, Pintados ng Tacloban, Parada ng Lechon ng Balayan, Sinulog ng Cebu, Peñafrancia ng Naga at Viva Vigan ng Ilocos Sur.

Bilang pagsisimula ng kapistahan, tatangkain ng Fiesta Pasiklab sa pakikipagtulungan ng QC local government sa pamumuno ni Mayor Feliciano Belmonte na makagawa ng isang bagong record sa Guinness Book of World Record ng pinaka-mahabang banderitas sa Marso 27. Magsisimula ito sa Fiesta Pasiklab at tatangkaing paikutan ang maraming lugar sa Kyusi.

Magkakaroon din ng maraming aktibidades sa QC sa panahong ito, tulad ng trade fair, search for the most radiant festival queen, scenic rides around QC sa pamamagitan ng kalesa, amateur dance, band, and singing contests, recitals at marami pang iba. Magkakaro’n din ng live orchestra performance, fireworks display, float parade at lights and sound parade.
* * *
Binuksan na ng GMA Artist Center ang kanilang pintuan sa publiko. Tumatanggap na sila ngayon ng mga enrollees sa mga workshops tulad ng katatapos pa lamang na Acting Workshop for Film and TV. Ang mga ibibigay na workshop ay magkakaro’n ng culminating activity na kung saan agad nilang maipapakita ang mga natutunan nila sa pag-arte.

Ang mga graduates ng unang Film and TV acting workshop ay isinama sa isang digital film trilogy — Kilig... Pintig...Yanig...sa direksyon ng mga kilalang direktor na tulad nina Carlitos Siguion Reyna, Mark Reyes at Rahyan Carlos. Nagkaro’n ito ng red carpet premiere nung Enero 31, Cinema 2, Glorietta 1, Ayala Center na kung saan tinanggap din ng mga graduates ang kanilang certificates at gift packs.

Sa nasabi ring pelikula, nakita kung gaano kakumpleto ang training na makukuha sa GMAAC Acting Workshops.

vuukle comment

ACTING WORKSHOP

ACTING WORKSHOPS

ARTIST CENTER

AYALA CENTER

CARLITOS SIGUION REYNA

FIESTA PASIKLAB

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORD

ILOCOS SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with