^

PSN Showbiz

Uso na naman ang Santacruzan

- Veronica R. Samio -
Tandang-tanda ko na sa Flores de Mayo ng Congregacion Del Santissimo Nombre Del Niño Jesus ko unang nakita si Princess Punzalan bilang isang sagala. Pagkatapos nito ay nagsimula na ang kanyang career sa showbiz.

Sa taong ito ng kanyang ika-25 anibersaryo, inaasahang makakatuklas na naman hindi lamang ng mga magagandang mukha kundi magagaling na taga-disenyo ng damit ang Flores de Mayo na ang magsisilbing hermano/hermana ay sina DOT Sec. Robert Pagdanganan at ang ginang niya na si Susan, Mayor Lito and Beng Atienza, Unilever Phils.’ Chairman and CEO, Howard and Mrs. Cristina Belton at ang founding chairman ng Congregacion na si Ben Farrales at ang Honorary Consul to Guatemala Mrs. Mellie Ablaza.

Magaganap ang Flores de Mayo sa Mayo 2 sa Rajah Sulayman Plaza, Roxas Blvd.

Mga members ng Filipino Designers Association of the Phils (FDAP) ang gagawa ng mga terno ng mga magsisilbing sagala na binubuo ng mga top flight models, debutantes at mga celebrities. Tatlong disenyo ang pipiliin bilang La Flor de Manila, Rosa Mystica at Reina de las Flores. Magsisilbi sa panel of judges sina Louie Locsin, maybahay ni Cong. Teddy Locsin, philantropist Danny Dolor, Allan Tengco, ng Baliuag Tours & Transit, Pia Sacro, direktor ng Manila Tourism & Cultural Affairs, Oscar Palabyab, Chief of Staff ng Manila Mayor at Chito Macapagal, Gen. Mgr, Corporate Dev’t, Unilever Phils. Magaganap ang judging sa Baluarte de San Diego. Entertainment will be provided by Dulce, Jinky Llamanzares, George Tagle , Richard Villanueva. Musical director si Gerry Matias, emcee si Eddie Mercado, direktor si Ogee Atos.

Inaasahan din ang pagdalo ng mga ladies of the diplomatic corps. Maaaring tumawag sa 5253421 (Ben Farrales) at 5887429 (Gel Tabia-Yap, PR Mgr. Unilever).
* * *
Gaganapin naman ang kauna-unahang Golden Screen Awards sa Sabado, Abril 24, 6:00 NG sa Meralco Theater ng Entertainment Press Society, Inc (Enpress).

Magsisilbing hosts sina
Pops Fernandez at Richard Gomez. Sina Judy Ann Santos at Dingdong Dantes ang segments hosts at si Aga Muhlach ang trivia host.

Magiging topic ng trivia ang mga award winning movies ni
Lino Brocka.

Opening number sina
Rachel Alejandro, Geneva Cruz, Franco Laurel at RJ Rosales.

Aawitin naman ang mga nominated theme songs nina
Gary Valenciano (Magnifico), Zsazsa Padilla (Pangarap Ko Ang Ibigin Ka), Angelika dela Cruz at Christian Bautista (Captain Barbel), Rachelle Ann Go, Genevieve Villabroza, Raymond Manalo (Homecoming).

Sponsors ng
Golden Screen Awards ang Apollo Petroleum Jelly, Cleene Cotton, Babyflo Diaper at Cologne at Albatross Bathroom Deodorizer.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALBATROSS BATHROOM DEODORIZER

ALLAN TENGCO

APOLLO PETROLEUM JELLY

BABYFLO DIAPER

BEN FARRALES

GOLDEN SCREEN AWARDS

UNILEVER PHILS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with