^

PSN Showbiz

Sarah, bida na sa 'Sarah The Teen Princess'

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Apat na bagong drama shows ng ABS-CBN ang aabangan ng Pinoy viewers sa first quarter ng 2004. Ito ay bilang patuloy na pagpapalakas ng ABS-CBN sa kanilang drama department headed by Malou Santos (who is also Star Cinema’s managing director) and supervised by Olivia Lamasan.

Una ay ang kauna-unahang fantaserye, ang Marina na pangungunahan ni Claudine Barretto. Yes, fantaserye ang tawag ng drama department sa isa sa kanilang bagong offering. Sirena si Claudine sa kanyang bagong serye. Tatlong bagong mukha ang leading men niya rito.

Pangalawa ay ang Sarah, The Teen Princess na pagbibidahan ni Sarah Geronimo. Kasama rito ang mga baguhang talents na sina Mikel Campos, Mark Bautista at Michael Agassi. Si John-D Lazatin ang magdidirek nito.

Ikatlo ay ang fantaserye na tatampukan ni Piolo Pascual. May fantastical element ang still untitled series na ito. Very intriguing ang lumabas na teaser nito sa ABS-CBN. Ibang-ibang Piolo ang makikita sa bago nitong show. Deglamourized this time ang aktor. Quiapo ang setting nito. Sina Malu Sevilla at Cathy Garcia-Molina ang director nito.

Ikaapat ay ang Weekend Love na magtatampok sa iba’t ibang loveteams ng ABS-CBN. Sina Andoy Ranay at Connie Macatuno ang director nito.

Lalo pang palalakasin ng ABS-CBN ang iba pa nilang drama programs tulad ng Maalaala Mo Kaya na incidentally ay turning 13 years ngayong taon. At ang ipinagmamalaki nilang mga teleserye-Basta’t Kasama Kita, Sana’y Wala Nang Wakas at It Might Be You.

For the month of February, may month-long offering ang Wansapanataym. Magkakaroon sila ng series on Pinoy superheroes. Tiyak na magugustuhan ito ng loyal viewers ng undisputed fantasy program sa Philippine Television.

"We will continue to give Pinoy audience the best drama shows and the shows that they want. This is our way of thanking our loyal viewers for making the drama shows of ABS-CBN as the best drama programs in Philippine television," says the indefatigable Malou Santos.
* * *
Kung maalagaan ng tama, tiyak na may magandang patutunguhan ang career ng baguhang si Marco Alcaraz. Kung pagbabasehan ang performance niya bilang Axel sa It Might Be You, pwedeng sabihin na may potensyal ang batang ito. Kung titingnan mo, mukhang may acting experience na si Marco pero ang totoo ay wala.

"Wala po talaga," sabi ni Marco. "Noon, ang gusto ko lang ay maglaro ng basketball at pag may offer, tumatanggap ako ng modeling jobs. Pero sa acting, bago lang po ako."

Ipinatawag pala si Marco ng manager niyang si Arnold Vegafria para mag-try-out sa audition ng ABS-CBN para sa role na Axel. After ilang days, nalaman na lang niya na he got the role. Agad siyang isinalang sa acting workshop under acting workshop expert Beverly Vergel.

"Nakatulong ng malaki ’yung workshop kasi bago nag-taping, familiar na ako sa role ko. Plus the support I’m getting from the main stars and kina Direk Gilbert (Perez) and Direk Don (Cuaresma)."

Marco is turning 21 in July. He is 6’2" tall and a member of San Sebastian College basketball team na naglalaro sa National College Athletics Association (NCAA). Kung hindi pa na-injure, malamang daw na wala siya sa showbiz at naglalaro pa rin ng basketball.

"I had to stop playing and rest dahil sa injury. Habang nagpapagaling ako, dumating naman ang offer ng ABS-CBN. Swerte ko na rin.

Marami na raw fans sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nagagalit sa kanya dahil sa kanyang role. Madalas kasi niyang i-bully si Bea sa nasabing teleserye. May twist daw ang role niya in the coming episodes na tiyak na mamahalin siya ng tao.
* * *
Isa pang maituturing na promising star ay si Mikel Campos. Kasabay si Mikel nina Sarah Geronimo, Mark Bautista na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan. Dating napapanood si Mikel sa GMA shows na Walang Hanggang at Click pero aniya, natapos na ang stint niya rito. Wala rin daw siyang exclusive contract sa GMA 7 kaya when the ABS-CBN offer came in, tinanggap na niya ito.

Sa movies, napanood si Mikel sa Captain Barbell at Filipinas. He is being managed by Viva Entertainment.

Ngayong nasa ABS-CBN, isang bagong drama show ang sisimulan niya kasama sina Sarah, Mark Bautista at Michael Agassi. Ito ay ang Sarah, The Teen Princess. "May story conference kami this week," kwento ni Mikel.

At his age (he is only 17 years old), matangkad si Mikel at 6’1". Third year high school siya. Dalawa lang silang magkapatid. Anak siya ni former print and ramp, commercial model Susan Gaddi. Si Susan ay ang girl sa Dove soap commercial na nagsabing "Whhhat?!" Ang ama niya ay isang businessman who is running their family owned business.
* * *
Ipinalabas na ng ABS-CBN no’ng Lunes ang bago nilang Chinovela, ang West Side Story. Very promising ang West Side Story dahil sa iba’t ibang components nito-may live action, love story at animé. Tinuhog na ng ABS-CBN ang lahat ng components para makatiyak na magiging hit ito.

Mala-Meteor Garden ang lovestory nina Jimmy Lin at Jamie Lan. Mala-Eternity naman ang action scenes dito.

Bida rito ang popular Asian group na 5566 at ang mga Taiwanese teen superstars na sina Jimmy at Jamie. Number one pala ang West Side Story sa iba pang Asian countries like Taiwan at Indonesia.

Dahil intact pa ang grupong 5566, madaling madadala ang grupo rito sa Pilipinas para mag-promote. Ang West Side Story ay napapanood araw-araw, tuwing alas singko ng hapon, bago mag-The Truth.

vuukle comment

ABS

CBN

DRAMA

IT MIGHT BE YOU

MALOU SANTOS

MARK BAUTISTA

MICHAEL AGASSI

MIKEL

WEST SIDE STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with