Kutis ng aktres, pinakinis
May 28, 2001 | 12:00am
Namroblema ang isang kompanya ng under garments nang kunin nilang endorser ang maganda at seksing aktres na sikat din. Ayon sa isang source, marumi pala ang balat ng ST aktres. Iba kasi ang appeal ng ST aktres kapag napapanood sa TV at pelikula. Parang kay kinis-kinis ng balat. Pero nang makita nila nang personal ang aktres, nadismaya sila sa kutis nito. Gumastos sila ng malaking halaga dahil pina-scrub nila ang balat ng sikat na aktres para kuminis.
Nakabawi naman ang kompanya dahil maganda ang kinalabasan ng komersyal. Mataas din ang sales ng iniindorsong underwear brand ng ST actres.
Ang aktres ay naging pambatong ST actress ng isang major company noon pero ngayon ay freelancer na. Nagsimula din ito sa isang malaganap na afternoon show bago naging sikat na seksing aktres. Visible pa rin siya sa pelikula at telebisyon.
Katambal ni Yam Ledesma si Niño Muhlach sa pelikulang OK Ka Lang na launching movie ng FAMAS best child actor na si Patrick Ervie Mateo under MMG Films.
Maganda ang working relationship ng dalawa at wala nang ginawa ang nanonood sa syuting nila kundi tumawa nang tumawa dahil sa mga nakatutuwang eksena nina Yam, Niño at Ervie. Gagampanan ni Onin ang papel na driver ng mayamang magkapatid na sina Yam at Patrick.
"Masarap kasama si Onin dahil lagi siyang nagpapatawa. Mabait rin siya sa amin at nagsisilbing big brother ko. Lagi siyang may nakalaang pangaral sa akin. Malaki ang ipinagbago niya sapul nang mag-asawa," anang actress-singer.
Sinabi naman ni Onin na mabait din si Yam at magaling pang umarte bukod pa sa pag-awit.
Maganda ang takbo ng career ni Janette McBride at malaking suporta ang ibinibigay sa kanya ng Dos.
Ganito rin ang nangyari noon kay Vanessa del Bianco na alagang-alaga ng ABS-CBN dahil nakikitang may potensyal sa pag-arte.
Pero nagkaroon ito ng intriga nang ma-link na diumano’y kerida ni John Estrada.
Ngayon naman ay natsitsismis din si Janette kay Mo Twister na may anak kay Bunny Paras.
Malaki rin ang pagkakataon niyang (Janette) matukso kaya dapat ay iwasan muna ni Janette ang pag-ibig at mag-concentrate muna sa kanyang career ang magandang balikbayan.
Nasa ikalimang buwan na ng pagbubuntis si Sunshine Cruz at excited na siyang maging nanay.
Ayon sa aktres ay magpapa-breast feed siya dahil naniniwala siya na mas malakas ang bonding ng mag-ina kung manggagaling sa ina ang gatas ng bata.
Marami siyang offer ngayon para lumabas sa telebisyon pero tinatanggihan niya. Babalik pa rin siya sa showbis kapag malaki-laki na ang baby dahil payag naman si Cesar Montano na lumabas pa rin siya sa pelikula.
Nakahanda na ang pangalang ibibigay nila kung magiging baby boy - Jacob. Wala pa silang nakahandang pangalan sakaling maging babae ito. Hindi pa siya nagpapa-ultra sound kaya hindi pa alam kung babae o lalaki ang kanilang panganay na anak.
Nakatakdang magsilang si Sunshine sa September na anibersaryo rin ng kanilang kasal.
Maraming matutuwang tagahanga ang Freshmen Band dahil ilalabas na sa market ang kanilang self-titled album sa isang buwan. Ito’y binubuo ng labin-tatlong komposisyon na mismong mga miyembro ng grupo ang kumatha. Ito’y kinabibilangan ng iba’t-ibang awitin gaya ng love songs, novelty, alternative, pop, all in one na ginawa para sa mga bagets.
Ang Freshmen Band ay binubuo ng lead guitarist na si Edward dela Cruz, bass/ guitarist, Jerome Raymundo, keyboardist, Jayson Caimol, drummer, Daziel Ledda at vocalists na sina Roel Aldana at Walton Zerrudo.
Naghahanap ngayon ang grupo ng bagong mga miyembro - 18 to 22, guwapo at marunong tumugtog ng gitara, keyboards, drums at magaling ding kumanta.
Para sa detalye, tumawag sa 283-33-73 at hanapin si Ernie.
Nakabawi naman ang kompanya dahil maganda ang kinalabasan ng komersyal. Mataas din ang sales ng iniindorsong underwear brand ng ST actres.
Ang aktres ay naging pambatong ST actress ng isang major company noon pero ngayon ay freelancer na. Nagsimula din ito sa isang malaganap na afternoon show bago naging sikat na seksing aktres. Visible pa rin siya sa pelikula at telebisyon.
Maganda ang working relationship ng dalawa at wala nang ginawa ang nanonood sa syuting nila kundi tumawa nang tumawa dahil sa mga nakatutuwang eksena nina Yam, Niño at Ervie. Gagampanan ni Onin ang papel na driver ng mayamang magkapatid na sina Yam at Patrick.
"Masarap kasama si Onin dahil lagi siyang nagpapatawa. Mabait rin siya sa amin at nagsisilbing big brother ko. Lagi siyang may nakalaang pangaral sa akin. Malaki ang ipinagbago niya sapul nang mag-asawa," anang actress-singer.
Sinabi naman ni Onin na mabait din si Yam at magaling pang umarte bukod pa sa pag-awit.
Ganito rin ang nangyari noon kay Vanessa del Bianco na alagang-alaga ng ABS-CBN dahil nakikitang may potensyal sa pag-arte.
Pero nagkaroon ito ng intriga nang ma-link na diumano’y kerida ni John Estrada.
Ngayon naman ay natsitsismis din si Janette kay Mo Twister na may anak kay Bunny Paras.
Malaki rin ang pagkakataon niyang (Janette) matukso kaya dapat ay iwasan muna ni Janette ang pag-ibig at mag-concentrate muna sa kanyang career ang magandang balikbayan.
Ayon sa aktres ay magpapa-breast feed siya dahil naniniwala siya na mas malakas ang bonding ng mag-ina kung manggagaling sa ina ang gatas ng bata.
Marami siyang offer ngayon para lumabas sa telebisyon pero tinatanggihan niya. Babalik pa rin siya sa showbis kapag malaki-laki na ang baby dahil payag naman si Cesar Montano na lumabas pa rin siya sa pelikula.
Nakahanda na ang pangalang ibibigay nila kung magiging baby boy - Jacob. Wala pa silang nakahandang pangalan sakaling maging babae ito. Hindi pa siya nagpapa-ultra sound kaya hindi pa alam kung babae o lalaki ang kanilang panganay na anak.
Nakatakdang magsilang si Sunshine sa September na anibersaryo rin ng kanilang kasal.
Ang Freshmen Band ay binubuo ng lead guitarist na si Edward dela Cruz, bass/ guitarist, Jerome Raymundo, keyboardist, Jayson Caimol, drummer, Daziel Ledda at vocalists na sina Roel Aldana at Walton Zerrudo.
Naghahanap ngayon ang grupo ng bagong mga miyembro - 18 to 22, guwapo at marunong tumugtog ng gitara, keyboards, drums at magaling ding kumanta.
Para sa detalye, tumawag sa 283-33-73 at hanapin si Ernie.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended