^

PSN Showbiz

3 gay celebrities enjoy sa macho dancer (Suntok Sa Buwan)

- Emy Abuan Bautista -
May nakapagbulong sa akin na kumuha ang tatlong sikat na celebrities ng isang macho dancer para sa isang private show. Enjoy na enjoy sila habang pinanonood itong sumasayaw sa kanilang harapan. Dahil sikat at may inaalagaan ding reputasyon ang tatlong celebrities ay sa isang kwarto na lang pinapunta ang macho dancer para mag-entertain sa kanila.

Si Celebrity A ay isang sikat na TV host at komedyante samantalang si B naman ay isang comedian-singer. Si C ay isang character actor na mula sa isang kilalang angkan.

Magkakaibigan ang tatlo kaya hindi nagkahiyaan nang kumuha ng guwapong macho dancer para sa kanilang entertainment.
JANNA, MAHILIG SA SPORTS
Walang kapaguran si Janna Victoria kahit siya ang nagmamaneho ng kotse patungo sa malalayong location gaya ng Real, Quezon para sa taping ng isang drama anthology. Kahit kasing-layo ng Baguio ay kaya niyang magmaneho kahit alalay lang ang kasama.

Katwiran niya ay malakas ang resistensiya ng kanyang katawan dahil mahilig siya sa sports gaya ng scuba diving, car racing o kahit target shooting. May panahon pa rin siyang mag-aral ng jazz.

Sportsminded si Janna kaya hanga sa kanya ang mga taong naging bahagi ng Inter-Commercial Basketball Tournament na kinabibilangan nina Atty. Art Famatigan, Evillo Vergara, Dennis Macanaya, Roy Rosopa, Danny Pernes, Rolando Masongsong at Benny Receno. Ang commissioner nila ay si Boggs Gonzales. Layunin ng Amadeus Sports 2000 na tumulong sa pamahalaan ng Lipa sa mga proyektong nauukol sa sports.

Napakagaling kumanta ni Vina Morales kaya hangang-hanga sa kanya ang mga press people na dumalo at bumati sa birthday celebration ni Kuya Germs sa Master Showman Presents. Titig na titig at pumapalakpak si Shaina Magdayao nang matapos ang number ng kanyang ate. Ayon sa batang aktres ay idol niya ang kanyang ate Vi at umaasa siyang makasama sa pelikula ang kanyang kapatid. Showbis ang dating ni Shaina at malapit siya sa mga tagahanga lalo na sa masa. Hindi siya napapagod kahit pumirma ng autograph sa maraming kabataan at kahit inaantok na ay nakangiti pa rin siya at panay ang kaway sa mga tao. Hindi kataka-takang sumikat din siya lalo na sa kanyang paglaki at matulad sa tagumpay na nakamit ni Vina dahil pinanday ng showbis ang kanyang talino at pagiging malapit sa tao. Kahit abala sa commitment ay patuloy pa rin sa kanyang pag-aaral si Shaina kung saan nakakakuha pa rin siya ng mataas na marka sa klase.
BAGONG CHILD ACTOR
Malakas ang pang-akit ng showbis kay Patrick Ervie Mateo at kahit nasa top ten siya ng kanilang klase ay lumalabas pa rin siya sa pelikula gaya ng Ipinanganak na ang Taong Papatay Sa Iyo ng MMG Films. Gagampanan niya ang papel na kapatid ni Ronald Gan at Yam Ledesma. Nag-aaral si Patrick ng martial arts dahil nangangarap ding sumabak sa action movies. Napatunayan na ang galing niya sa pag-arte lalo na sa drama. Kaya naman hindi sukat akalain ng kanyang mga guro at kamag-aral na magaling pala siyang artista. "Professional siyang bata at kahit nasa syuting ay dala niya ang kanyang mga libro para mag-aral. Madali niyang makuha ang instruction ng direktor at memoryado ang mga linya. Mabait siya at karinyoso," ani Beth Tamayo.
MATET, HUMINTO NA SA SIGARILYO
Hindi yata visible ngayon sa mga showbiz gathering si Matet kahit pasisikatin siya ng Regal o Viva Films. Matapos maipalabas ang Pangarap ng Puso ay may nakalinya pa siyang proyekto sa kanyang mother company. Hindi naaapektuhan ng intriga ang young actress kahit sabihing hindi siya gaanong kinagat sa kanyang launching movie. Katwiran niya ay marami pang pagkakataon para makabawi siyang muli. May nang-iintriga pa ring maldita siya at outspoken pero ayon sa aktres transparent kasi siya at hindi plastic kaya lumalabas ang tunay na ugali.

Sinabi naman niya na unti-unti na siyang nagbabago gaya ng pag-iwas sa paninigarilyo. Malakas din kasi siyang mag-smoke at nakikita pa ng ibang kasamahang mga artista. Ayon sa aktres ay unti-unti na niyang binibitiwan ang bisyong ito dahil na-realize niya na masama rin ito sa kalusugan. Nasasaktan siya kapag sinasabing masama siyang halimbawa sa mga kabataan. "Marami akong pinagdaanan sa aking buhay noon kung saan maaga akong nagtrabaho bilang artista. Pakiramdam ko ay hindi naging normal ang aking buhay pero nababago naman ito sa pagdaan ng mga taon, di ba? Saka ngayong independent na ako ay marami na akong natutunan dahil gusto ko ring ipagmalaki ako ni Mommy (Guy) at ng mga kapatid ko," aniya.

vuukle comment

AMADEUS SPORTS

ISANG

KAHIT

KANYANG

NIYA

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with