^

PSN Showbiz

'Meet the Single Girls'

-
Sa pagdating ng Single Guy, alam nating may susunod: Ang Single Girl!

Ngayong natapos na ni Marvel ang kanyang fame and fortune-filled na status bilang Single guy – kahit na hindi pa niya natatagpuan ang kanyang "the one"- ibabaling na ang focus ng camera sa maswerteng Single Girl upang maumpisahan na ang mas nakakakilig na yugto ng "Single", a hip reality-TV show from Ideal Minds featuring dating escapades at misadventure ng Single Guy at ngayon girl naman. Pero bago yan, tatlong naggagandahang dilag ang kinakailangang magpapakitang-gilas sa pamamagitan ng mga dating thrill and challenges upang malaman kung sino ang dapat na maging Single Girl. Kaya naman ipinakilala agad ng Ideal Minds ang tatlo sa isang masayang pagtitipon ng mga party people, titled 3SUM: Season Ender/Starter noong August 8 sa Rockwell Dish.

Pasok Mica, Asia, Patty. Kung sa pangalan pa lang nabibighani na kayo sa kanila, lalo kayong mapapanganga sa mala-dyosa nilang kagandahan at katalinuhang dapat ay angkin ng bawat single girl ng panahong ito.

Twenty-three lang si Mica Diva Tuano o "Mykes" (and no, she isn’t a singer), subalit sa murang edad niyang ito, maganda na ang takbo ng kanyang career bilang isang modelo at copywriter sa isang ad agency. At bakit hindi kung magandang mukha, katawan at good attitude ang puhunan ng Broadcast Communication sa kanyang 5’6" na height siya’y may great sense of humor na matching sa kanyang masayahing attitude. One word description: Unexpected.

Kung gaano kalayo ang palayaw na "Asia" sa kanyang christian name na Junelyn Alexis Agcaoili, ganoon din ang layo ng agwat ng kanyang diverse fashion sense that truly reflects her chic and vibrant personality. Mahilig mag-experiment ang 24-year-old ng mga kasuotan, marahil ito rin ang dahilan kung bakit niya tinatapos ang Clothing Technology at UP Diliman, kasabay ng career sa pagmomodelo. Wild.

Kahit 23 na si Patricia Ragaza or "Patty", hindi naman siya nagmamadaling mahanap ang kanyang "Mr. Right". Ine-enjoy niya ng husto ang kanyang pagka-single, at hopefully ang kanyang pagiging "Single girl" rin dahil naniniwala siyang life has so much to offer when no strings are attached. Pero kung ikaw ay isang smart, funny and spontaneous guy na makakaagaw ng kanyang pansin, malamang mapapagbigyan ka niyang mai-date siya pagkatapos ng kanyang gigs with her band "M Power". Call her a workaholic vocalist! Patient.

At para mas lalo ninyong makilala ang tatlong single girl wannabes, manood ng Single simula Agosto 29, Huwebes, 9:30 ng gabi sa ABC 5. Apat na episodes ang ilalaan sa kanila upang makatulong rin sa inyong pagpili kung sino ang dapat na maging Single Girl. Sa text, i-type lang ang TV (space)SINGLE-MICA, ASIA, o PATTY at ipadala sa 2333 (Globe/Touch Mobile) o 288 (Smart/Talk n’ Text). Maari ring bumoto sa internet, pumunta lang sa www.single.com.ph.

vuukle comment

BROADCAST COMMUNICATION

CLOTHING TECHNOLOGY

GIRL

IDEAL MINDS

JUNELYN ALEXIS AGCAOILI

KANYANG

SINGLE

SINGLE GIRL

SINGLE GUY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with