^

Probinsiya

P108 milyong shabu, nasabat uli sa Zamboanga buy-bust

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P108 milyong shabu, nasabat uli sa Zamboanga buy-bust
Sa ulat nitong Sabado ng umaga ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, aabot sa 16 kilos ang shabu na naibenta ni Alnasher Jumdain Mudah, 42-anyos, sa kanilang mga operatiba na nagsagawa ng naturang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Canelar na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Muling umiskor ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 9 makaraang makasamsam ng may P108 milyong halaga ng shabu mula sa isang dealer sa ikinasang malakihang buy-bust operation sa Barangay Canelar, Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat nitong Sabado ng umaga ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, aabot sa 16 kilos ang shabu na naibenta ni Alnasher Jumdain Mudah, 42-anyos, sa kanilang mga operatiba na nagsagawa ng naturang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Canelar na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.

Naisagawa ang naturang operasyon, kung saan nakunan ng P108 milyong halaga ng shabu si Mudah, sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at ng mga units ng Zamboanga City Police Office at Police Regional Office-9, ayon kay Gadaoni-Tosoc.

Nasa kustodiya na ng PDEA-9 ang suspect na si Mudah na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Nauna rito, nakum­piska ng magkasanib na puwersa ng PDEA-9 at mga pulis ang abot sa 21 kilos na shabu, nagkakahalaga ng P145.5 million, mula sa mga dealers na sina Wilson Sahiban, 25-anyos, Junjimar Hajili Aiyob, 29-anyos, Jimmy Sahibol, 30-anyos at sa 27-anyos na si Abdurahman Abdulhakim, na na-entrap sa Barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Mayo 3.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with