^

Probinsiya

2 NPA rebels todas sa encounter sa Sultan Kudarat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ang nasawi sa pakiki­pagbakbakan sa tropa ng militar sa Brgy. Salansang, Lebak, Sultan Kudarat nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Lt.Col.Guil­lermo Mabute Jr., Commander ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB), nagkasa ng ‘decisive military operations’ ang kanilang tropa matapos na makatanggap ng ulat mula sa sumbong ng mga sibilyan hinggil sa isinasagawang pa­ngingikil o ‘extortion activities’ ng mga tero­ristang NPA sa lugar.

Sinabi ni Mabute, katuwang ng 57IB ang ilan pang mga units mula sa 37IB, 7IB at iba pang operatiba ng militar nang ilunsad ang decisive military operations laban sa tinatayang nasa sampung rebeldeng NPA.

Sa nasabing pagpapanagpo ay agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at ng mga rebeldeng NPA sa nabanggit na lugar bandang alas-5:43 ng umaga.

Agad na bumulagta ang dalawang rebelde na inabandona ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.

Nakumpiska sa pinangyarihan ng bakbakan ang mga kagamitang pandigma ng mga komunistang terorista na isang 5.56mm M16 rifle, isang Cal .45 pistol, isang Granada, mga magasin, mga bala, subersibong dokumento, mga personal na gamit at iba pang mga war materials.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with