^

Probinsiya

Lotto outlet owner, todas sa holdap!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lotto outlet owner, todas sa holdap!
Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilala sa alyas na “Anthony”, negosyante at residente ng Malagasang Imus City, Cavite.
STAR/File

Sinabayan pagpasok ng sasakyan

CAVITE, Philippines — Binaril at napatay ng isang holdaper ang may-ari ng isang lotto outlet matapos holdapin sa loob ng sasakyan habang kasama ang live-in partner nito, kamakalawa sa Brgy. Malagasang 2-F Imus City.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilala sa alyas na “Anthony”, negosyante at residente ng Malagasang Imus City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente. Galing ang biktima sa branch ng lotto outlet nito at naglalakad na pabalik ng kanilang sasakyan kasama ang kaniyang kinakasama na si alyas Margie nang sumunod ang ‘di kilalang lalaking suspek.

Nang pasakay na ang mag-live in partner sa kanilang pickup truck na Toyota Hilux (NFZ-4968), bigla silang sinabayan ng suspek at mabilis na sumakay rin sa naturang sasakyan.

Agad na tinutukan ng baril ng suspek ang dalawa at sinabihang huwag mag-iingay. Kinuha ng suspek ang perang P12,000 na kita ng lotto outlet at bago tumakas ay binaril nito ang biktima na bumulagta sa loob ng sasakyan.

Pagkababa ng suspek sa sasakyan, dito na nagsisigaw ang babae at humingi ng tulong. Agad na naitakbo sa pagamutan ang kanyang kinakasama subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

Malaki umano ang posibilidad na natiktikan ng suspek ang biktima na mangongolekta ng perang kinita ng kanyang lotto outlet.

vuukle comment

IMUS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with