^

Probinsiya

4 miyembro ng MILF todas sa ambush

Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay sa ambush sa Sha­riff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Linggo, April 14, 2024, ang apat na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na masigasig na sumusuporta sa kampanya ng militar at pulisya laban sa dalawang teroristang grupo sa pro­binsya.

Mismong mga municipal officials at barangay leaders ang nagkumpirma nitong Lunes ng pagkasawi sa naturang ambush ng mga biktima na kinilalang sina Mhoni Kamid, Amhed Mansur, Khar Anding at anak na si Tapurih Anding; pawang residente ng Brgy. Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ang mga nasawi ay kilala sa kanilang masigasig na pagsuporta sa mga anti-terror operations ng mga units ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).

Sa inisyal na ulat nitong Lunes ni Maguin­danao del Sur provincial police director Col. Roel Sermese at ng hepe ng Shariff Aguak Municipal Police Station na si Lt. Col. Regie Albellera, sakay ng mga motorsiklo ang apat nang tambangan at pagbabarilin ng mga teroristang armado ng assault rifles na nakaabang sa gilid ng highway sa isang barangay sa naturang bayan.

Patungo sana ang mga biktima sa Brgy. Limpongo sa hindi kalayuang bayan ng Datu Hoffer nang sila ay pagbabarilin na nagsanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Lumalabas na ang ambush ay kagagawan diumano ng magkasanib na mga teroristang Dawlah Islamiyah at BIFF na pinamumunuan ni Kagui Katatang na wanted sa iba’t ibang mga high-profile criminal cases.

vuukle comment

SHA­RIFF AGUAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with