^

Probinsiya

Dalaga, kasamang nene huli sa P680K shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Dalaga, kasamang nene huli sa P680K shabu
Dalawang plastic ng shabu ang nakumpiska sa suspek na kinilala sa alyas “Jica”, 39-anyos, dalaga, ng Area K, Chest Clinic, Pasay City, nasa listahan ng mga High Value Target (HVT) ng pulisya.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang 39-anyos na dalaga at kasama nitong batang babae matapos na mahulihan ng illegal na droga sa isinagawang drug operation ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Habay 1. Bacoor City.

Dalawang plastic ng shabu ang nakumpiska sa suspek na kinilala sa alyas “Jica”, 39-anyos, dalaga, ng Area K, Chest Clinic, Pasay City, nasa listahan ng mga High Value Target (HVT) ng pulisya.

Isinailalim naman sa Rescue CICL (Child in Conflict Law) ang batang babae na si alyas “Princess”, kamag-anak ni alyas Jica..

Sa ulat ng pulisya, alas-5:20 ng hapon nang maganap ang buy-bust sa pagitan ng suspek at tumayong buyer sa Brgy Habay 1 ng nasabing lungsod.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 4A sa pangunguna ni PCaptain Richard Caragay, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite PPO at Bacoor City Police.

Dumating ang suspek sa napag-usapang lugar at may kasama pang batang babae at nang magkabilihan ay agad silang dinakma ng mga pulis.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with