^

Probinsiya

200K konsyumer sa Negros makakaasa sa murang kuryente

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakaasa ang tinatayang mahigit sa 200,000 konsumer sa Negros Islands sa mas madalang na brownout o paputol-putol na supply ng enerhiya at mas murang kuryente sa susunod na taon.

Ito’y sa sandaling mabigyan na ng prangkisa ng Kamara ang isinusulong na Negros Electric Power Corp (NEPC) mula sa Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Primelectric Holdings Inc. at Central Negros Electric Cooperative, Inc.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises, sinabi ni Primelectric President Roel Castro na “approved in principle” ang kanilang hinihiling na prangkisa upang makapagserbisyo sa mahigit 200,000 na konsyumer sa Negros kabilang ang Bacolod City, Bago, Tal­say, Silay, Don Salvador Benedicto at Murcia.

Nabatid sa komite na nasa P20 milyon hanggang P30 milyong halaga ang nawawala kada buwan dahil sa lumalalang systems loss sa lalawigan.

Samantala, tiwala si Castro na kakayanin ding magawa sa Negros ang pagtugon sa mga brownout gaya ng ipinatupad sa Iloilo City na may mahigit 90,000 konsumer kung saan naibaba sa 5 % ang systems loss habang 90 porsiyento naman nang napigilan ang madalas na power interruption.

Nakapaloob sa JVA na maglalaan ang Primelectric ng P2.1 bilyong investment para sa mo­dernisasyon ng power distribution system at sa taong 2028 ay inaasahan umanong 100% na ang target electrification sa Negros.

vuukle comment

ELECTRIC

POWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with