^

Probinsiya

Motor salpok sa trailer truck: 14-anyos dedo, 3 pa sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay ang 14-anyos na lalaki habang sugatan ang tatlo pang menor-de-edad matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang trailer truck sa Brgy. Malabanban Sur, Candelaria, sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at nabatid na walang lisensya sa pagmamaneho nang maganap ang road crash ay kinilalang si John Alfred Jimenez, Grade 9 student ng Brgy. San Andres.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa gitna umano ng highway dakong alas- 11:30 ang truck na minamaneho ni Jackson Ville, 31, at paliko ito sa kaliwa mula sa northbound direction nang mabangga ng motorsiklong minamaneho ng 14-anyos na si alyas Ethan at nakaangkas sa kanya si Jimenez at mga binatilyong kapitbahay na sina alyas Ezekiel, 12, at Billy, 14 na galing sa kabilang direksyon.

Kaagad na nilapatan ng paunang lunas ng mga responders ang apat na biktima at dinala sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival si Jimenez. 

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with