^

Probinsiya

Welder timbog sa P3.8 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang welder na itinuturing na high value individual (HVI) matapos makuhanan ng aabot sa 3.8 milyong pisong halaga ng shabu sa ginawang search warrant operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zone-7, Liberty Village, Brgy. Cararayan, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive drugs act of 2002 ang suspek na si Leon Casilao, may-asawa at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte at sa overall supervision ni PDEA-Bicol regional director Atty. Gil Pabilona ay mabilis at magkakatuwang na sina­lakay ng mga ahente ng PDEA mula sa Sorsogon, Masbate, Catan­duanes, Camarines Norte at Camarines Sur ang bahay ng suspek.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos na makuha sa loob ng kanyang bahay ang anim na malalaking bungkos ng plastik at walong plastic sachet na may lamang shabu na tumitimbang lahat ng 550 gramo at nagkakahalaga ng P3.8 milyon.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with