^

Probinsiya

Coast guard utas sa baril ng kabaro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Coast guard utas sa baril ng kabaro
Mabilis na isinugod ng kanyang mga kasamahan sa Matnog Medical Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si SN1 Joshua Solano, 24-anyos, binata, residente ng Camalig, Albay.
STAR/File

MATNOG, Sorsogon, Philippines — Patay sa isang tama ng punglo sa katawan ang isang kasapi ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanyang kasama sa loob ng kanilang istasyon sa Brgy. Manjumlad ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Mabilis na isinugod ng kanyang mga kasamahan sa Matnog Medical Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si SN1 Joshua Solano, 24-anyos, binata, residente ng Camalig, Albay.

Sumuko naman ang nakabaril na kabaro na si SN2 John Klent Nacario Lumabe, 29-anyos, binata at residente ng Brgy.Lourdes Young, Nabua, Camarines Sur.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon habang naka-duty umano sa Coast Guard Station queuing area si Lumabe nang sa hindi pa malamang dahilan ay biglang aksidenteng pumutok ang kanyang kalibre .9mm na baril dahilan para masapol ng bala si Solano.

Duguang bumulagta ang biktima na agad isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente habang hawak na ang suspek ng Matnog Police pati ang service firearm nito.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with