^

Probinsiya

Ex-Vice Mayor idinadawit sa P110 milyong ­illegal contract sa Quezelco

Pilipino Star Ngayon
Ex-Vice Mayor idinadawit sa P110 milyong  ­illegal contract sa Quezelco
Sa kabuuan, aabot sa P110.9 milyon ang ginastos ng Quezelco 1 para sa pagbili ng intech kwh at iba pang kagamitan sa Enex Electric mula Mayo 2013 hanggang Disyembre ng 2016.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nanatiling tikom ang bibig ng dating vice mayor sa lalawigan ng Quezon sa pagkakasangkot nito sa iligal na kontratang pinasok noong siya’y naninilbihan bilang direktor at presidente ng Quezon Electric Co­operative, Inc. 1 (Quezelco 1) mula 2013 hanggang 2016.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng committee on investigation and appeals (CIA), hugas kamay at todo iwas si dating Unisan VM Danilo Suarez Jr. sa pagsagot sa mga akusasyon hinggil sa pagbili ng mga kuntador na nagkakahalaga ng P110,000,000 na hindi dumaan umano sa tamang proseso ng bidding na ipinatutupad ng National Electrification Authority (NEA).

Batay sa pagsusuri ng CIA, naglabas si Suarez Jr. ng mga resolusyon na salu­ngat umano sa Republic Act No. 9184 o mas kilala bilang Revised Procurement Act.

Ayon sa pagsasaliksik, dalawang beses naghain ng resolusyon si Suarez Jr. na nag-uutos para palawigin ang kontrata ng kooperatiba sa Enex Electric para sa pagbili ng ‘intech’ kwh meters, isang uri ng kuntador na hindi dumadaan sa kinakailangang public bidding.

Batay sa report, bumili ang Quezelco 1 ng 3,600 piraso ng intech kwh meters mula Hulyo-Disyembre 2015 na nagkakahalaga ng P7.695 milyon at nasundan pa ito noong 2016 kung saan muling bumili ng 3,600 piraso ng kuntador sa parehong presyo.

Sa kabuuan, aabot sa P110.9 milyon ang ginastos ng Quezelco 1 para sa pagbili ng intech kwh at iba pang kagamitan sa Enex Electric mula Mayo 2013 hanggang Disyembre ng 2016.

Kasabay nito, napag-alamang nagkulang sa isinagawang pag-aaral sa kalidad at presyo ng mga nabiling kuntador. Hayagang sinuway rin umano ng mga director ang utos ng NEA na magsagawa ng bidding para dito.

vuukle comment

NEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with