_ngayon
^

Probinsiya

Nabakunahan sa Olongapo, umabot na sa 65,816

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY , Philippines — Umabot na sa bilang na 65,816 o 26 porsyento ang indibidwal na nabakunahan simula nang umarangkada ang pagbabakuna noong buwan ng Marso taong kasalukuyan.

Ayon sa ipinalabas na vaccine statistics ng lungsod na ito,nasa 6,073 naman ang mga tumanggap ng first dose mula sa kategoryang A1 kabilang ang mga frontliners at healthcare workers habang 4.576 naman ang nabigyan na ng second dose.

Sa A2 category o ang mga senior citizens ay 13,399 ang nabigyan nan g first dose habang 8,271 naman ang nakatanggap na ng second dose.

Sa mga persons with comorbidities o A3 ay nasa 16,388 ang mayroon ng first dose habang 7,508 naman ang nabigyan ng second dose.

Para sa mga  A4 categories o frontliners in essential sectors, nasa 8,800 ang nabigyan ng first dose at 801 naman ang naka-second dose.

A3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with