^

Probinsiya

Online registration sa pagbabakuna isinulong ng Bulacan Health Office

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Upang tulu­yang makamit ang herd immunity at mapabilis ang vaciicnation rollout, isinulong ng Bulacan Provincial Health Office ang online registration para sa mamamayan na nagnanais na mapabilis ang kanilang pagbabakuna.

Ayon sa Bulacan Provincial Health Office-Public Health na itinataguyod ang online na pagpaparehistro sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa kanilang opisyal na Facebook account at sa mga lugar ng bakunahan na tinawag na ‘Bulacan Accelerated Vaccine Roll-out’.

“Kung wala po ang inyong munisipyo sa listahan ay maaari ring magtungo sa mga Rural Health Unit (RHU) ng inyong lugar para makapagparehistro,” ani Dr. Hjordis Marushka Celis, direktor ng Bulacan Medical Center.

Makikita at maaaring magparehistro sa mga link para sa bakuna kontra COVID-19 ang mga nasa priority group na A1 hanggang A5 o ang mga frontliner, senior citizen, mga may comorbi­dity indigent population at uniform personnel sa mga bayan at lungsod ng Bulacan na naka-post sa kanilang opisyal na Facebook account na https://www.facebook.com/ PHOBulacan.

Bukod rito, hinihikayat ni Gov. Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na magpabakuna upang maprotektahan hindi lamang ang kanilang mga sarili kundi maging ang kanilang mga pamilya at mga taong nakapalibot sa kanila.

“Hindi po namin kayo pinipilit na magpabakuna but we are highly recommending that you get vaccinated. It is free and it is for your protection lalo na ngayon na nandito na ang Delta higit na nakakahawa,” saad ni Fernando.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with