^

Probinsiya

Grade 6 stude dedo, 2 grabe sa karambola ng 3 sasakyan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao, Philippines — Patay ang isang Grade-6 pupil habang kritikal ang dalawang kasama nito matapos ang banggaan ng tatlong sasakyan sa Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat ka­makalawa.

Kinilala ang nasawi na si Ahmad Alyamani, 17-anyos habang kritikal sa pagamutan ang kanyang kambal na si Mahmo Alyamani at isang 3-taong gulang na bata.

Ayon sa kaanak ng nasawi, sinasabing nagkayayaan ang tatlo na maligo sakay ng payong-payong tricycle.

Sa imbestigasyon, sinasabing magkasalubong sa opposite direction ang kotse at payong-payong ngunit biglang nabangga ng kotse ang isang motorsiklo sa kanyang harapan dahilan upang silang lahat ay nagsalpukan, dakong alas-10:00 ng umaga.

Sa lakas ng salpukan, humiwalay ang sidecar ng tricycle habang parehong nawasak ang harapan ng kotse at motorsiklo.

Tumakas ang driver ng kotse na hindi pa nakikila habang ang motorsiklo ay minamaneho ni Hood Israel Mohammad na taga-Cotabato City at angkas nito si Bainambai Guiamalo ng Brgy. Sapalan, Datu Odin Sinsuat na himalang hindi nasaktan sa insidente.

vuukle comment

DATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with