^
Mister todas sa raid
Napuruhan ng punglo­ sa katawan at agad na­sawi ang suspek na kinilalang si Bonifacio Villafuerte Betito, may asawa at residente ng naturang lugar.
PSN/File

Mister todas sa raid

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

PRIETO DIAZ, Sorsogon, Philippines — Bulagta sa loob mismo ng kanilang bahay ang isang 36-anyos na mister matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na search warrant ope­ration sa Brgy. San Rafael ng bayang ito kamakalawa ng mada­ling araw.

Napuruhan ng punglo­ sa katawan at agad na­sawi ang suspek na kinilalang si Bonifacio Villafuerte Betito, may asawa at residente ng naturang lugar.

Sa ulat,dakong alas-4 ng madaling araw bitbit ang search warrant na inilabas ng korte dahil sa impormasyong nagtatago ng ilegal na baril ay sinalakay ng mga operatiba mula sa Provincial Intelligence Unit, Regional Intelli­gence Division 5 at Prieto Diaz Police ang bahay ni Betito.

Gayunman, palapit pa lang umano ang mga pulis ay pinaputukan na sila ng suspek kaya napilitang gumanti ang mga operatiba na kanyang ikinabulagta. Nakuha dito ang isang kalibre 45 baril at mga bala.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with