Ex-GSIS director dedbol sa truck
MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng senior citizen na dating regional director ng Government Service Insurance System (GSIS) matapos na aksidenteng mabundol ng isang rumaragasang truck habang tumatawid sa kahabaan ng MCCL Highway sa Brgy. Mercedes, Zamboanga City nitong Biyernes.
Kinilala ang nasawi na si Naomi Diaz, 67, may-asawa at residente ng Zone 1, Brgy. Culianan ng nasabing lungsod.
Sa ulat ni P/Captain Edwin Duco, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-7:30 ng umaga habang umatawid ang lola sa kalsada nang mabangga ng humahagibis na Mitsubishi Canter truck (KAH6997) na minamaneho ni John Miguel Daanton, 31.
Nagawa pang maisugod sa Zamboanga Peninsula Hospital pero binawian din ng buhay ang biktima dahil sa matinding pinsala sa ulo.
- Latest