^

Probinsiya

2 ‘gun runner’ timbog sa CIDG entrapment

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 �gun runner� timbog sa CIDG entrapment
Sinisiyasat ng mga operatiba ng CIDG-BAR ang dalawang hinihinalang gun runners matapos makuhanan ng mga armas at bala sa entrapment operation sa Alamada, Cotabato nitong Sabado.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang caliber .30 M1 Garand rifle at .45 caliber pistol sa dalawang illegal dealers na kanilang na-entrap sa Alamada, Cotabato nitong Sabado.

Kinumpirma nitong Linggo ni Lt. Col. Allan Huesca, regional chief ng CIDG-Bangsamoro Autonomous Region, na nasa kustodiya na nila ang dalawang suspects, sina Marlon Danding at Saddam Polayagan, nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na nagbabawal sa pagbebenta ng mga baril, mga bala at mga pampasabog ng walang pahintulot mula sa Philippine National Police.

Sina Danding at Polayagan ay nalambat sa isang liblib na pook sa Alamada sa probinsya ng Cotabato na sakop ng Region 12 ngunit malapit sa ilang bayan ng Lanao del Sur at Maguindanao del Norte na parehong sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

May kumakalat na mga text messages sa Alamada at mga karatig bayan sa Cotabato na nagsasabing kilalang mga gunrunners sina Dan­ding at Polayagan na nagbebenta ng mga walang lisensyang baril at ilan sa kanilang mga nabentahan na ay mga residente ng ilan sa 63 Bangsamoro barangays sa probinsya na sakop ng BARMM.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with