^

Probinsiya

12-anyos isinama ng bayaw sa team building outing, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
12-anyos isinama ng bayaw sa team building outing, patay
Sa malalim na bahagi ng tubig ng Beach nakuha ang wala nang buhay na katawan ng biktima na kinilala sa alyas na Jom, estudyante .
STAR/ File

CAVITE , Philippines —  Patay ang 12-anyos na batang lalaki na isinama sa team building outing ng bayaw nito matapos na malunod sa isang beach resort, kamakalawa sa Brgy. Pandan, Real, Quezon.

Sa malalim na bahagi ng tubig ng Beach nakuha ang wala nang buhay na katawan ng biktima na kinilala sa alyas na Jom, estudyante .

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:30 ng umaga kamakalawa nang maganap ang insidente.

Nagsagawa umano ng Team Building ang bayaw ng biktima kasama ang grupo nito sa Paninap 5 Beach Resort at isinama ang huli.

Naglangoy umano ang biktima subalit napapunta sa malalim na bahagi ng beach at hindi namalayan na nalunod na pala ito.

Sa ilalim ng tubig na nakuha ang katawan ng biktima at agad itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with