^

Probinsiya

2 ‘tulak’ pinabulagta ng tandem

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, ­Quezon , Philippines — Magkasunod na napaslang ang dalawang pinaghihinalaang  tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang paulanan ng punglo ng riding-in-tandem habang naglalakad sa gilid ng kalyeng sakop ng Barangay Zone-4 Poblacion, dito kahapon ng umaga.

Ang mga biktima na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ay nakilalang sina Bryan Castillo, 38, binata ng nasabing barangay at sinasabing nasa talaan ng national watchlist on illegal drugs (NWID) at high value individual (HVI) at kalalaya lamang sa pamamagitan ng piyansa noong Dis­yembre 2019 sa kasong droga at Arvin Bacera, 38, ng Barangay Opias at kabilang sa HVI.

Sa ulat, dakong alas 7:50 ng umaga habang naglalakad si Castillo nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at makalipas ang isang oras ay ganun din and nangyari kay Bacera.

Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya upang makilala at madakip ang mga salarin.

vuukle comment

TULAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with