^
âShoot-to-killâ vs lider ng leftist ikinasa
Gayunman, nilinaw ni Cordillera Police director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan na ang nasabing shoot-to-kill order sa mga pulis na nagsasagawa ng manhunt operation ay kung manlalaban lamang si Bolinget.
STAR/ File

‘Shoot-to-kill’ vs lider ng leftist ikinasa

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY , Philippines — Ipinag-utos ng Cordillera Police ang “shoot-to-kill” laban kay Cordillera Peoples Alliance (CPA) chairperson Windel Bolinget na isinasangkot sa kasong pagpatay sa Tagum City, Davao del Norte noong 2018.

Gayunman, nilinaw ni Cordillera Police director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan na ang nasabing shoot-to-kill order sa mga pulis na nagsasagawa ng manhunt operation ay kung manlalaban lamang si Bolinget.

Kasunod ito sa inilabas na warrant of arrest ni Tagum City Regional Trial Courtb Branch 30 Judge Sharon Rose Saracin kay Bolinget at 9 pang personalidad noong Set­yembre 25, 2020 at walang nirekomendang piyansa sa mga akusado.

Isa ring pulis ang nag-akusa kay Bolinget at 9 pang iba na kinabibilangan din ni Cordillera Peoples Democratic Front (CPDF) spokesperson Simon Naogsan Sr., sa pagpatay kay Garito Tiklonay Malibato noong Marso 22, 2018 sa Barangay Gupitan, Kapalong, Davao del Norte.

Sa depensa ni Bolinget, hindi man lamang siya nakarating sa sinabing lugar ng patayan noong 2018 na nagpapatunay na wala siyang kasalanan. Aniya, haharapin niya sa tulong ng isang abogado ang naturang kaso.

Tinukoy ng CPA na nanawagang ibasura ang kaso kay Bolinget, ang isang news report noong Marso 23, 2018, kung saan itinuro ng “Karadyawan”, isang organisasyon ng mga katutubo sa Kapalong, Davao del Norte, at ng PASAKA, na ang mga kasapi ng paramilitary group na “Alamara” ang pumatay kay Malibato.

Nangangamba naman ang pamilya ni Bolinget sa “tokhang-style execution” ng pulisya kapag hinuli siya o kaya ay habang dinadala sa korte.

CPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with