^

Probinsiya

COVID-19 cases sa Tuguegarao City tumaas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 cases sa Tuguegarao City tumaas
Ayon sa City Health Office, 46 sa mga nagpositibo ay pawang mga nahawaang kapamilya at mga kaibigan ng 22 Health workers ng isang probadong hospital na unang kinumpirmang may COVID-19 noong Miyerkules.
The STAR/Michael Varcas, file

Sumabay sa matinding pagbaha

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Sumabay sa pagbaha ang pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng CO­VID-19 sa lungsod nito matapos makapagtala ng 64 na panibagong kaso ng hawaan nitong nakalipas na dalawang araw.

Ayon sa City Health Office, 46 sa mga nagpositibo ay pawang mga nahawaang kapamilya at mga kaibigan ng 22 Health workers ng isang probadong hospital na unang kinumpirmang may COVID-19 noong Miyerkules.

Nabatid na nagsimula ang hawaan sa Hospital nang diumanoy umuwi mula sa Metro Manila ang isang doktor nang hindi sumailalim sa Quarantine saka nag-opera ng pasyente na kalaunan ay nahawa sa kanya.

Kabilang sa mga nahawa ang 18 nurses, dalawang medical technologist, isa pang doktor at bagong panganak sa sanggol sa Hospital.

Ang doktor umano ay nagkaroon ng exposure sa loob ng isang COVID- 19 Hospital sa Metro Manila na pinaniniwalaang pinanggalingan ng taglay niyang virus.

Bukod sa kaso ng hawaan sa hospital; pitong kliyente na kinabitan ng koneksiyon ng tatlong nagpositibong empleyado ng Cable television ang nahawa rin sa lungsod ayon sa awtoridad.

Ang pitong kliyente ay pawang natukoy ng awtoridad sa contact tracing.

Naging suliranin sa lungsod ngayon ang pag­lobo ng mga kaso ng COVID-19 bukod pa sa nararanasang epekto ng malalang pagbaha, kawalan ng kuryente at pagkain mula noong Biyernes.

Sa 182 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Cagayan; 133 ngayon ang nasa lungsod na ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with