^

Probinsiya

Bangka lumubog: 14 mangingisda missing

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG)-Northern Luzon katuwang ang pulisya at lokal na pamahalaan para mailigtas ang 14 na mangingisda na sakay ng lumubog na bangka sa karagatan malapit sa Infanta, Pangasinan.

Ayon kay PCG spokesman Commodore Armand Balilo, lumubog dahil sa lakas ng alon ang bangkang Aqua Princess nitong nakaraang Miyerkules pa (Oktubre 7), base na rin sa salaysay ng dalawang mangi­ngisda na nakaligtas sa insidente.

Sinabi nina Pedro Manalo at Jery Regala na inutusan sila ng kapitan nilang si Eddie Ariño na gamitin ang kanilang “service boat” para humingi ng saklolo makaraang makaranas sila ng ma­tinding problema sa gitna ng dagat.

Ngunit dahil sa sama ng panahon, nakarating lamang sa Infanta ang dalawa nitong Linggo ng umaga at diretsong iniulat ang nangyari sa kanila at mga kasamahan na naiwan sa bangka.

BANGKA

MANGINGISDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with