3 tiklo sa ‘pot session’ sa trak

Christian Ryan Sta Ana (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

NUEVA ECIJA , Philippines — Dahil sa usok na lumalabas sa unahang bahagi ng isang trailer truck, nabisto ang nagaganap na “pot session” ng tatlong lalaki sa Brgy. Piut, Carranglan, dito noong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jeffrey Balido, 29-anyos, may-asawa; Arvin Salvador, 28, may-asawa, drayber; kapwa ng Brgy. 911 San Antonio, Ilagan, Isabela; at Leonardo Reyes, 26, may-asawa, isa ring drayber ng Brgy. Concio, Trese Martirez, Cavite.

Ayon sa Carranglan Police, isang impormante ang nagtungo sa istasyon at nagsabing may nagaganap na shabu session ng tatlong lalaki sa loob ng isang trailer truck na nakaparada sa ilang na bahagi ng naturang barangay.

Napukaw umano ang atensiyon ng impormante habang naglalakad sa lugar kasama ang isang kaibigan sa nakitang usok na nagmumula sa truck na may plakang ABK-3206, bandang alas-12:30 ng tanghali. Una umanong pumasok sa isip nila na nasusunog ang nasabing sasakyan pero para makatiyak, agad nilang pinasok ang loob ng truck at dito nalamang walang apoy kundi tatlong lalaki ang kasalukuyang  bumabatak umano ng ilegal na droga.

Sa mabilis na pagresponde ng pulisya,  naabutan pa umano nila ang tatlo sa shabu session sanhi ng kanilang pagkakaaresto at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. 

TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with