^

Probinsiya

Last termer konsehal nilikida

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  —  Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang riding-in-tandem criminals ang isang konsehal na sinasabing may problema sa kalusugan makaraang pagbabarilin sa provincial road sa bahagi ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Berto Guiamadel, 55-anyos, konsehal ng nasabing bayan at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, alas-7:45 ng umaga habang sakay umano ang biktima sa kanyang motorsiklo patungo ng pamilihang bayan nang sundan ng dalawang suspek at paslangin.

Si Guiamadel ay hindi na naghain ng kanyang kandidatura para sa 2019 midterm elections dahil hu­ling termino niya na ito bilang konsehal sa bayan at ‘di na rin siya tumakbo sa ibang posisyon dahil sa iniinda umano nitong karamdaman bunsod ng mild stroke.

Isa sa mga anggulong sinusundang motibo sa krimen ay ang “rido” o family feud. 

vuukle comment

BERTO GUIAMADEL

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with