Babaeng driver utas sa bangga
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang babaeng driver ng SUV ang nasawi matapos na sumalpok ang kanyang  minamaneho sa isang van kamakalawa ng tanghali sa Barangay Dukay, Esperanza,Sultan Kudarat.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Trisha Manansala, nasa hustong gulang.

Nasugatan naman sina Paul Solivio, driver ng Grandia van (OX-7335) at Jesusima Solivio, kawani ng DPWH.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali ay kasagsagan ng buhos ng ulan ay kapwa bumabagtas ang van at Mitsubishi Mirage (B2-P711) na minamaneho ni Manansala patungong Isulan, Sultan Kudarat nang kapwa sila nag-overtake sa magkabilang lanes sa national highway.

Dahil sa madulas ang kalsada ay hindi kinaya ang preno ng dalawang sasakyan at nagsalpukan.

Dinala ang mga biktima sa pagamutan, subalit namatay si Manansala.

CAR ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with