^

Probinsiya

2 Abu Sayyaf sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 Abu Sayyaf sumuko
Kinilala ni Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command ang unang sumuko na si Jul-Amri Sali alyas “Pujong”, 27, residente ng Brgy. Bulangasin, Panamao, Sulu, nasa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron.

MANILA, Philippines — Buluntaryong sumuko sa tropa ng pamahalaan ang dalawang miyembro ng grupong Abu Sayyaf Group (ASG) sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Sulu kamakalawa.

Kinilala ni Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command ang unang sumuko na si Jul-Amri Sali alyas “Pujong”, 27, residente ng Brgy. Bulangasin, Panamao, Sulu, nasa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron.

Ayon kay Besana si Sali ay sumuko sa himpilan ng  Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3  sa pamumuno ni Lt. Col. Ramil Holgado  na nakabase sa Brgy. Seit, Poblacion, Panamao, Sulu. Isinuko rin nito ang kaniyang armas na isang M1 garand rifle.

Samantala, sumunod namang sumurender ng nasabi    ring araw ang isa pang bandido na si alyas “Sibih” sa tropa ng Army’s 21st Infantry Battalion sa Brgy. Danag, Patikul, Sulu.

Sinabi ni Sibih na dismayado siya dahilan sa may nasusugatan at nasasawi sa kanilang mga kasamahan ngunit pinababayaan lang ang mga ito ng kanilang lider kaya napilitan siyang magbalik-loob na lamang sa pamahalaan.

Patuloy namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong bandido. (With trainee Princess Yvonee Garcia)

vuukle comment

ABU SAYYAF

WESTERN MINDANAO COMMAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with