Commando todas sa shootout
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2018 - 12:00am

BULACAN  , Philippines  —   Nasawi ang isang wanted na lalaki habang nagawa namang makatakas ang kasama nito na kapwa miyembro ng kilabot na “Commando Gang” matapos na kumasa sa pulisya habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanila sa isang lugar sa Brgy. Citrus sa San Jose del Monte City martes ng hapon.

Ilang tama ng bala ang tumama sa katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng suspek na si Atet Heroquia habang nakatakas ang kasama nitong si Boboy Mabulay; kapwa residente ng Brgy. Citrus sa naturang bayan.

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ng San Jose Del Monte City police, dakong alas-3:30 ng hapon nang isilbi ng mga kagawad ng Warrant Section ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Pelagia Dalmacio-Joaquin ng MTC sa naturang bayan para sa kasong “Assault Upon an Agent in Autho­rity” sa hideout ni Heroquia matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga suspek sa naturang lugar.

Namataan naman ng mga suspek ang mga pulis na papalapit dahilan upang agad nilang paputukan ng baril. Dito na gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta ng kamatayan ni Heroquia at nang makita naman ni Mabulay na bulagta ang kasama nito ay dito na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog na nasa likod ng kanilang bahay habang narekober sa crime scene ang isang .38 revolver at mga basyo ng bala.

Nabatid din na sangkot ang dalawa sa serye ng pang­hoholdap at pagna­nakaw sa naturang bayan.

WARRANT OF ARREST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with