2 ‘pusher’ dedo sa buy-bust

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines — Dalawang hinihinalang drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya noong Martes ng gabi sa St. Joseph St., Barangay Zulueta, ng lungsod.
Kinilala ni P/Supt. Criselda De Guzman, acting chief of police, ang nasawing mga suspek na sina Edgardo Veneracion alyas Ed, ng Villaluz Subdivision, Brgy. Mabini Homesite; at isang alyas Erwin.
Sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA at isang pulis ang nagpanggap na buyer ng droga kay Veneracion sa binibiling P500 halaga ng shabu.
Gayunman, hindi pa natatapos ang transaksyon ay bigla umanong bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ang mga pulis sanhi upang gumanti ang mga operatiba na nagresulta ng pagkasawi ng dalawa.
- Latest