^

Probinsiya

Debris ng rocket ng China, naispatan sa Palawan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naispatan ang pinaghihinalaang debris sa inilunsad na Long March 12 rocket ng China sa karagatan ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ang China’s Long March 12 rocket ay inilunsad noong Sabado, Oktubre 10  dakong alas-3:28 ng madaling araw mula sa Hainan International Commercial Center sa Wenchang, Hainan Pro­vince na pinaniniwalaang bumagsak sa archipelagic na karagatan ng bansa sa bahagi ng Palawan.

Sa ulat ng Philippine Navy West Naval Command kahapon, idinokumento ang akibidad bilang bahagi nang mahigpit na pagmo-monitor sa pagbagsak ng debris ng inilunsad na rocket ng China.

Bandang alas-3:37 ng madaling araw noong Sabado ay naispatan ng mga Navy personnel ang kulay pulang red trail sa himpapawid sa hilagang kanluran patungo sa katimugang silangan sa lugar kung saan 44 segundo itong namasdan sa kala­wakan bago tuluyang naglaho matapos na magkapira-piraso ang debris.

Nabatid na maging ang mga personnel sa Tubbataha Reef Natural Park ay narinig rin ang malakas na tunog at tila pagsabog sa kalawakan na nasundan pa ng tatlong beses na mahihinang pagsabog.

Dahil sa pinaghihina­laang rocket trail, nagbabala ang Philippine Navy sa publiko at mga mangingisda na iwasang lumapit sa posibleng debris ng rocket dahil nagtataglay ito ng toxin o nakalalasong kemikal na peligroso sa kalusugan.

Samantala, una nang nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) laban sa debris ng rocket launch ng China na posibleng drop zone ay ang karagatan ng bansa.

PHILSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with