^

Probinsiya

Ex-vice mayor sa narco-list itinumba!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ex-vice mayor sa narco-list itinumba!
Kinilala ang biktimang si Roger Lagawan Mamalo, 63-an­yos, residente ng Purok Sampaguita ng nasabing barangay.

NORTH COTABATO, Philippines — Patay sa pa­mamaril ang dating bise-alkalde ng Sultan Sabarongis, Maguindanao nang tamba­ngan at pagbabarilin ng hindi pa nakikila­lang suspek sa Purok Gol­den Duranta, Brgy. New Isabela, Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Roger Lagawan Mamalo, 63-an­yos, residente ng Purok Sampaguita ng nasabing barangay.

Sa inisyal na report ng Tacurong Police, pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang sasakyan nang harangin at pagbabarilin ng nag-iisang suspek gamit ang cal. 45 pistol dakong alas-8:20 ng gabi.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Nasa narco-list uma­no ng Philippine Drug Enforcement Agency ang dating bise-alkalde na naisugod pa sa pagamutan pero hindi na umabot pang buhay dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa katawan.

Sa ngayon, blangko pa ang pulisya sa pamumuno ni P/Supt. Joefel Siason sa motibo ng pamamaslang at kung sino ang nasa likod nito.

EX-VICE MAYOR IN NARCO-LIST DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with