^

Probinsiya

76 loose firearms isinuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 76 mga loose firearms o mga baril na walang lisensya ang isinuko  ng mga lokal na opisyal sa mga opisyal ng militar sa Sultan Kudarat at Sultan Mastura, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, 6th Civil Military Operations (CMO) Regiment Commander at Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Central  ang mga loose firearms ay isinuko kay Lt. Col. Florencio Pulitod Jr., Commanding Officer ng Army’s 37th Infantry Battalion (IB).

Agad namang itinurnover ang mga isinukong baril na walang lisensya kay Brig. Gen. Jesus Sarsagat, Brigade Commander ng Army’s 603rd Infantry Brigade  sa isinagawang seremonya sa municipal hall ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kabilang sa mga armas ay 31 sari-saring mga baril na isinurender ni Mayor Datu Rauf Mastura ng Sultan Mastura habang nasa 45 naman ang isinuko ni Mayor Datu Shameem  Mastura ng Sultan Kudarat.

Inihayag naman ni Major Gen. Arnel dela Vega, Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID), nilalayon ng pinaigting na kampanya laban sa mga loose firearms ay ang maiwasan ang mga karahasan partikular na ang nalalapit na Barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections gayundin ang rido o clan war.

Nagpapatuloy naman ang pinaigting na kampanya laban sa mga baril na walang lisensya sa Central Mindanao.

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with