_ngayon
^

Cagayan trader, pinabulagta

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 28, 2017 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang 37-anyos na trader habang ito ay nagmomotorsiklo sa Barangay Lucban, bayan ng Abulug, Cagayan noong Miyerkules ng gabi. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Delmar Abuzo, hepe ng Abulug police, dakong alas-10:30 ng gabi nang ratratin ang biktimang si Alwin Maguddatu habang dumadaan sa harapan ng bahay na pag-aari ni Esperanza Liza na sinasabing walang street lights. Sinikap na maisugod sa Far North Luzon General Hospital and Training Center sa katabing bayan ng Luna, Apayao ang biktima subalit idineklara itong patay. ?

Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa droga o negosyo ang isa sa motibo sa pamamaslang.

DELMAR ABUZO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with