Binatilyo lasog sa kotse
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2017 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Nagkalasug-lasog ang 16-anyos na binatilyo matapos itong tumbukin ng rumagasang kotse habang tumatawid sa Halsema Highway sa Barangay Amgaleygey, bayan ng Buguias, Benguet kamakalawa. ?Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Peter Dapliyan, hepe ng Buguias PNP, nag-overtake sa isa pang sasakyan ang driver ng kotse na si Nolie Esiong kaya natumbok ang biktimang si Yawi Mariano na tumatawid sa kalsada. Ayon sa report, tumilapon ng ilang metro ang biktima habang nagtuluy-tuloy naman sa pagtakbo ang kotse hanggang mabangga ito sa isang poste ng kuryente.? Namatay habang ginagamot sa Lutheran Hospital si Mariano habang dinakip ng mga pulis si Esiong matapos ang sakuna.

LASOG SA KOTSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with