Intel officer itinumba ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2017 - 11:16pm

MANILA, Philippines -  Pinabulagta ang isang intelligence officer ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa boarding house nito sa bayan ng M’lang, North Cotabato kahapon ng umaga.

Nasapul ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si PO3 Lovel Tan ng Intelligence Unit ng M’lang Police Station.

Sa ulat ng Police Regional Office 12 na naka­rating sa Camp Crame,  bandang alas-8 ng umaga nang pasukin ng mga hindi kilalang lalaki ang boarding house ng biktima sa kaba­yanan ng M’lang.

Ayon sa imbestigasyon, nagkakape ang biktima nang biglang bulagain ni kamatayan.

Sa pahayag ng mga testigo, walang pasintabing basta na lamang pumasok sa boarding house ng biktima ang gunmen saka pinagbabaril ito habang naghahanda na pumasok sa trabaho.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang intelligence officer  ang motibo sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol.

 

TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with