^

Guro sakote sa droga

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2016 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sa kalaboso na dadat­nan ng bagong taon ng isang 37-anyos na public high school teacher matapos mahuli sa isang drug buy  operation sa Barangay Annafunan West ng lungsod na ito kamakalawa. Kinilala ni Supt. Jessie Tamayao, hepe ng PNP Tuguegarao City ang naaresto na si John Roger Pasion, 37, ng Barangay Linao National High School. Ayon kay Tamayao, tatlong sachets ng shabu ang nakuha sa guro matapos mahulog sa entrapment sa Aquino street dakong alas-1:30 ng madaling araw. Ang pagkadarakip kay Pasion ay bunga ng matagal nang pagmamanman sa kanya ng pulisya, dagdag ni Tamayao.

ANNAFUNAN WEST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with