^

Probinsiya

Phillip Salvador kandidato pa rin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon na nananatiling kandidato sa pagkabise-gobernador ng Bulacan ang aktor na si Phillip Salvador  sa kabila ng desisyon ng Court of Appeals (CA) na hindi siya botante ng naturang lalawigan.

Kasabay nito, iginiit ng tanggapan ng running mate ni Salvador na si Josie Dela Cruz, sa mga Bulacaneos na huwag magpalinlang sa desisyon ng CA dahil di awtomatikong na-diskuwa­lipika ang una.

Iginiit na sa ilallim ng batas ay mayroon pa silang 15 araw para maghain ng motion for reconsideration.

“Dudulog kami sa Korte Suprema. Ipaglalaban namin ni Phillip ang kaniyang karapatang kumandidato sa pagka-bise gobernador. Kasama kami ni Phillip sa labang ito hanggang sa huli. Kaya sa amin pong mga taga-suporta, huwag po tayong palinlang sa mga kalaban. Bahagi lang po ito ng kanilang maduming taktika. Huwag po tayong pumayag na hindi mabilang ang ating mga boto,” ayon sa kampo ni dela Cruz.

“Hanggang walang final and executory decision ang husgado kandidato pa rin si Phillip. Ipaglalaban natin ang karapatan ng ating kan­didato, nananalig kami na papanig ang hustisya sa katotohanan,” dagdag pa nila.

 Kung talaga umanong hindi residente ng Bulacan si Salvador, dapat ay hindi na tinanggap ng Comelec ang certificate of candidacy nito sa simula pa lamang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with