^

Probinsiya

Full integration ng NLEx, SCTEx sa Marso

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines - Magiging fully integrated na simula sa Marso ang North Luzon Expressway (NLEx) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) dahil pag-i-isahin na ang toll collection system.

Ayon kay Manila North Tollways Corporation Vice President for Marketing Renee Ticson, hindi na kailangang pumila nang matagal at dalawang beses sa magkasunod na tollgate sa bayan ng Dau sa NLEx at Mabalacat sa SCTEx dahil tatanggalin na ang mga ito.

Ipinagkaloob ng Bases Conversion Development Authority ang pamamahala sa SCTEx  na concessio­naire sa MNTC upang  ang mangasiwa sa operasyon at pangangalaga sa pinakamahabang expressway ng bansa.

Bilang paghahanda sa full integration ay kasaluku­yang nagtatayo ng toll plaza sa dulong bahagi ng NLEx sa may Sta. Ines sa Mabalacat City dahil mawawala na ang toll gate sa Dau kung saan sa Sta. Ines toll plaza na magbabayad ang mga sasakyang lalabas.

Para naman sa mga bababa sa Mabiga, nag­lalagay na rin ng toll plaza para sa mga sasakyang mag-e-exit.

Kasabay nito, itinatayo na rin ang malaking toll plaza sa La Paz sa Tarlac hangganan ng SCTEx na nakakabit sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Pag-iisahin na rin ang tollgate ng SCTEx at Subic Free Expressway kung saan tatapusin ng MNTC sa unang bahagi ng Pebrero 2016 ay ginagastusan ng P650 milyon.

Bahagi ito ng kabuuang P1.5 bilyon na inilagak ng MNTC upang pag-isahin ang  sistema ng dalawang pangunahing expressway sa Gitnang Luzon.

ACIRC

ANG

BASES CONVERSION DEVELOPMENT AUTHORITY

GITNANG LUZON

LA PAZ

MABALACAT CITY

MANILA NORTH TOLLWAYS CORPORATION VICE PRESIDENT

MARKETING RENEE TICSON

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SUBIC FREE EXPRESSWAY

SUBIC-CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with